Lie #17: Burned some witch's money

124K 1.9K 98
                                    

Since wala naman akong magawa, binuksan ko na lang yung wifi namin at nag search sa google gamit ang cellphone ko. Ako lang mag isa dito sa bahay. May katatagpuin si mama at papa pero ayaw nilang sabihin sakin kung sino. Inisip ko na lang na baka bagong client. In two months time Christmas na kaya yung mga orders namin sa polboron medyo dumadami na.

"Ang mga lalaki ba nagsasabi ng totoo kapag lasing?" yun yung tinype ko pero walang lumalabas. Instead, kung ano ano na lang ang tinype ko hanggang may lumabas na resulta tungkol sa pagiging honest ng mga lalaki sa bagay bagay. Ito ang ilan sa mga nabasa ko sa isang discussion:

1. "Oo naman! Nagsasabi kami ng totoo kapag lasing at umiibig!"

2. "Nagsasabi ng totoo ang lalaki kapag lasing, umiibig o kaya pag bading!" di ko mapigilan matawa.

3. "Meron pang isa! Umaamin lang nang nararamdaman kapag malapit nang mawala yung minamahal" oh ganon?

4. "Ang mga lalaki hindi masalita kapag nakikipag away. Pero once na magalit kami lahat ng nararamdaman namin lumalabas" ugh yes proven na to.

5. "Nagsasabi ng totoo ang lalaki kapag mamamatay na. Yung tipong nandyan na yung pari at dinadasalan na siya" whew!

I sighed heavily. Kahit paano may sense naman pero pakiramdam ko hindi din naman gaano nakatulong. Lalo na tong isa ko pang na search. Dinadamdam ata nung netizen yung panloloko sa kanya nung guy na lasing. Sinabi daw sa kanya na gusto siya pero kinabuksan nung mahimasmasan binawi.

May sumagot naman sa kanya na "depende kasi sa lalaki yun"

Depende sa lalaki. Paano yun? Depende sa itsura? Depende sa ugali? What? Kung pagiging tao naman ang pagbabasehan ko kay Derick hindi ko alam. He's unpredictable person. Hindi mo mahuhulaan ang iniisip niya.

Eto pa may isa pa palang nagsabi.. "Ang pagiging lasing ay ginagawa lang na alibi ng marami kung nakakagawa sila ng isang bagay na alam nilang mali, pero sa katotohanan ay alam nila ang kanilang ginagawa. Dito sa puntong ito eh nilalahat ko na ang mga lasing, INUULIT KO, ALAM NILA KUNG ANO ANG KANILANG GINAGAWA, KAHIT NA LASING SILA"

May point din. Kasi in the first place, sa kaso na lang nung netizen. Bakit magsosorry sa kanya yung lalaki kung lasing nga siya nun? Ibig sabihin aware pa din siya sa mga ginawa at sinabi niya. Pero bakit niya pa kailangan sabihin ang bagay na hindi naman niya pala kayang panindigan? Ano ba ang alak? Pang padulas ng dila?

Naalala ko nung hinalikan niya ako. He said he freaking like me so much. Matino siya nun. Kagabi din sinabi niyang mahal niya ako, lasing naman siya. Anong ibig sabihin nun?

Kung bakit ba kasi napaka inosente ko sa mga ganitong bagay eh.

"Ate Erica, may bisita ka" napatingin ako kay Zeke na pumasok at may kasunod na dalawang babae. Medyo nagulat pa ako kung paano nila nalaman tong address ko. Si Pauline at Angeleen.

"Uy, pasok kayo" sabi ko sa kanila. Inalis ko yung mga gamit na nasa sofa at nag gesture na umupo sila.

Pumunta ako sa kusina para magtimpla ng juice. Mabuti na lang nakapag grocery si mama kahapon. Binigyan ko ng pera si Zeke para makapaghanap ng pwedeng bilhin na pagkain sa labas.

"Pasensya na ito lang ang naihanda ko ah? Kung bakit ba kasi hindi kayo nagpasabi na pupunta. Anyway, yung kapitbahay ko pinahanap ko na ng pwede makain" sabi ko sabay lapag nung juice sa center table. Hindi naman sila nagsasalita. Hindi ko alam kung bakit parang nahihiya sila sakin dahil nakayuko sila.

"Hey, may nangyari ba? Bakit ang tahimik niyo?" tanong ko dahil hindi sila kumikibo. May nangyari ba sa school?

Until napatingin sakin si Angeleen at tumayo para lapitan ako. Hinawakan niya yung kamay ko.

The Wicked Liar 1: The Lying Formula [PUBLISHED BY POP FICTION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon