Pagtapos maligo ni Derick umalis na kami kaagad. Kumain kami sa restaurant na malapit sa school. May limang oras ata kami na nagkwentuhan hanggang napagtanto na lang namin na gabi na pala. Hinatid niya ako sa bahay sa kabila ng mariin na pagtanggi ko. Wala eh, matigas talaga ang bungo ng lalaking yun.
Nag unat muna ako. Gusto ko pa matulog kaso soccer game maya maya. Nakapangako ako kay Robie na manonood.
"Erica, gising ka na ba?" dinig kong sabi ni mama kasabay ng sunod sunod na katok sa pintuan ng kwarto ko. Alas otso pasado na pala. Alas nuebe yung game. Soccer at elimination ng basketball for the whole day ngayon.
"Oo ma!" sagot ko. Umupo muna ako ng matagal sa kama at tumingala sa kisame. Grabe, ang dami kong nalaman kay Derick. I feel responsible na tuloy para sa kanya. Napapailing na lang ako. Sa mga kwento niya pa lang sakin seems like his parents are the most evil people in the world. Especially his mother.
And wait, magka birthday din kami!
"Si Derick nasa ibaba sinusundo ka na" napabalikwas ako ng bangon at tumakbo papunta ng pintuan. What?!
"Bilisan mo na" tumalikod na si mama at sinundan ko siya pababa. Nasa kalahati pa lang ako ng hagdanan naririnig ko na ang boses niya at ni papa. Nagtatawanan sila.
"Naku, hijo kagigising lang ng baby namin. Mahihintay mo ba?" ugh si mama! Di na nahiya tawagin daw ba akong baby! Tsss
"Hindi naman po kami nagmamadali" sagot naman ni Derick. I rolled my eyes at tinuloy na ang pagbaba. Napatingin siya sakin at parang nagulat pa. What ngayon lang ba siya nakakita ng bagong gising?!
"Oh bakit ganyan ka makatingin sakin?" I snapped at him dahil talagang nakatingin lang siya sakin. His mouth slightly opened at sunod sunod siya lumulunok.
That's when I realize kung bakit. Omg!
"Waaaa!" sigaw ko at umakyat pabalik sa kwarto ko. Nakakahiya! Nakasuot lang ako ng napaka iksing shorts at sleeveless na manipis. Wala pa akong suot na bra kaya bumabakat ang dapat bumakat! Waaaa!
"Pervert na yun imbes na pagsabihin ako tumingin lang!" sigaw ko habang nakatingin sa full length mirror na nandito sa loob ng kwarto ko. Then I ruffled my hair out of frustration. Nakakainis talaga!
"Manilla.." at nakuha pang umakyat at katukin ako ah
"Oh ano?!" naiinis na balik ko. Hindi ko alam kung maiinis ako o mahihiya o pareho. Grabe lang kasi eh! Tinignan niya lang talaga! Ako naman si tanga di agad naka pick up.
"Sorry naman" ngayon magsosorry siya? Aish
"Sorry sorry ka dyan?! Perv ka!"
"See, hindi ako sanay na nakakita ng ganyan. Malay ko ba naman na ganyan ka manamit matulog? At isa pa sana kasi bago ka lumabas ng kwarto mo mag ayos ka na" sermon niya. Tsk, eh sa ganito ako komportable eh. Tsaka ang init init naman kasi. October na pero grabe pa din yung panahon. Uulan nga bihira naman.
"Oo na sige na bumaba ka na!" pagtatapos ko ng usapan. Di sanay na nakakakita ng ganito? Phew sobrang babaero niya, hindi kapani paniwala yun.
Nagsuot ako ng jogging pants at plain white shirt. Hindi natuyo yung commemorative ko kaya wala akong masuot. Binilisan ko na kumilos. Hindi pa ako nakakakain eh. Samantalang si Derick nandun sa sofa nagbabasa ng dyaryo. Abnormal nga, nakabaliktad naman yung binabasa niya kaya di ko alam kung baliw siya o sadyang ganon.
"Mag make up ka na, halika" umiling agad ako sa sinabing yun ni mama.
"Ma, di na kailangan. Pagpapawisan din ako mamaya" inayos ko na yung bag ko na nilagyan ko ng tuwalya, polbo at kung ano ano pang pangunahing kailangan ko for the whole day.
BINABASA MO ANG
The Wicked Liar 1: The Lying Formula [PUBLISHED BY POP FICTION]
Teen Fiction[Book 1 of 3] Erica could have said no when her parents asked her to transfer schools for her senior year. But she said nothing. She could have ignored Derick Lusterio and his holier-than-thou attitude. But she noticed him instead. She could have wa...