Sweats dripping all over my face. Sa totoo lang pagod na ko dahil hindi ako nilalabas ni coach pero di naman ako makapagreklamo. Isa daw kasi ako sa inaasahan niya. Bukod sa advantage yung height, marunong din talaga akong magvolleyball.
"Dela Serna, pag pumalo payungan mo agad!" nag nod na lang ako kahit wala naman ako sa front line. Kanina pa niya yan sinisigaw. Nakakairita na pero di ko din naman siya masisi. Dikit ang laban. Third year highschool lang ang mga kalaban namin pero matatangkad at marurunong din kahit paano. At pressured kami syempre. Nakakahiya kapag natalo ang seniors. Halos lahat ng physical sports naipanalo namin. Last game na tong volleyball.
Hindi pa kami ang magse serve kaya mas lalong nakakakaba. Tapos ako pa ang nasa center. More or less sakin sigurado ang first ball. Nang paluin na nung player yung bola, like what I said sakin nga pumunta. Ini steady ko lang ang kamay ko para diretso yung receive. At para mai set pa ni Pauline. Which she successfully did. Maganda sana yung ere nung isa pa naming kakampi na si Merwin pero na anticipate yun ng mga kalaban namin. She was blocked at lumanding yung bola sa mukha niya.
At sanhi yun para matawa ang buong gym. Kinilabutan nga ako. Ang sasama ng ugali nakakairita. Pero balewala lang naman yun kay Merwin. She just smirked doon sa naka block sa kanya and concentrated. And that's enough para ma motivate ako. Kaya ko to. Kung siya nga natamaan na ng bola sa mukha hindi sumuko, ako pa kaya na pagod lang?
"Go my princess!" may sumigaw at automatic na napatingin ako sa bleachers kung nasaan si Robie. May dala siyang malaking placard na may nakasulat na "Go Erica, my princess" kasama din niya ang buong soccer team para mag cheer. Pati ang bestfriend ko na nasa gitna nila na natatawa lang.
Kinikilig ako. I've never felt this way gaya nang nararamdaman ko kay Robie. Masaya. I feel love. Katunayan kanina binigyan niya ako anklet. Good luck charm. And we're even closer. Maybe because wala si Derick ngayon. May space kami.
Anyway, two days na siya nasa Hong Kong. Tumawag siya sakin kagabi para sabihing gusto niya na umuwi. He seems so troubled. Gusto ko sana sabihin yung nangyari samin ni Robie. About the poem and date pero may pumigil sa utak ko kaya hindi ko na lang ginawa.
Pumasok na yung palo ni Merwin. So the score is 24-23. Lamang kami ng isa pero kapag naka puntos sila, the scoring will be raised to 26. Kailangan two points ahead para manalo. At ayoko na mangyari yun. Hindi ako sigurado kung kakayanin pa ng mga kakampi ko ang isa pang set.
Nag rotate na kami. Si Pauline ang magseserve. Ako nasa backline pa din. Napailing yung coach namin. Hindi ako pwedeng pumalo. At hindi pa katangkaran yung mga nasa harap kaya medyo delikado din sa blocking. Bahala na. Volleyball is not just about strength and height. Kailangan din dito ng talino. And since wala kami masyado nung dalawa, we're going to use our wit.
This time naging makulit na ako sa court. Naibalik samin nung kabila yung bola. Dahil na din siguro sa sigawan tumindi yung adrenaline nung mga kakampi ko. Lahat naghahabol. Nag pancake pa ako para makuha yung second ball. Thank you at malapit sakin si Merwin at naitawid niya yung bola.
Please, Lord ibigay niyo na samin to. Isang puntos na lang..
"Erica" tinawag ako ni Pauline pero hindi siya nakatingin sakin.
"Bakit?" tanong ko as I passed the ball sa kakampi ko at i over niya yun. We're having a long rally right now. Siguro takot din na magkamali yung kabilang team kaya hindi pumapalo. Masungit kasi yung coach nila. Mga teachers lang din naman dito sa Phylisse ang mga coaches pero hindi namin kilala dahil taga elementary department.
"Pagka receive ng bola ni Merwin, kukunin ko tapos ikaw pumalo" sabi niya at sandali akong tinignan. But I cant.
"Imposible yung sinasabi mo, Pau. Back liner ako. Hindi ako pwede pumalo"
BINABASA MO ANG
The Wicked Liar 1: The Lying Formula [PUBLISHED BY POP FICTION]
Novela Juvenil[Book 1 of 3] Erica could have said no when her parents asked her to transfer schools for her senior year. But she said nothing. She could have ignored Derick Lusterio and his holier-than-thou attitude. But she noticed him instead. She could have wa...