Lie #36: Threatening

87K 1.3K 77
                                    

Kapag naiisip ko yung nangyari sa sasakyan ni Derick hindi ko mapigilan na mamula. Hindi ko alam na ganun pala ang magiging epekto ng mga halik na yun sakin. Para akong lumulutang. My stomach is tightening na parang yung nararamdaman kapag nae excite, at higit sa lahat mukha akong siraulo sa kakangiti. Kinakagat ko pa yung unan ko para pigilan ang pagsigaw.

Tama ang hinala ko kanina kung bakit tumatawag ulit si mama. Gusto niya lang daw sana ako balaan na nasa bahay si Robie. Hindi naman nila alam na may naging away yung dalawa pero nase sense nila na parang hindi maganda kung magtatagpo yung dalawa.

They're like fire and gasoline. Kapag nagsama magliliyab. And when it starts, there's nothing left to do but watch it burn.

Three am na. But I cant force myself to sleep. Ginawa ko na lahat ng paraan pero wala pa din. Buti na lang at wala si Kuya Glenn dahil nakipagkita siya sa mga kababata niya sa bar and more or less hindi siya uuwi dahil ayaw niya daw na makaabala sa pagkatok samin sa madaling araw. Makikitulog na lang daw siya sa kaibigan niya.

Napapitlag ako nang tumunog ang cellphone ko. I hurriedly grab it sa side table ko at tinignan kung sino ang tumatawag sakin on this hour. Really, three AM is not quite a good time for conversation

Hindi naka register ang number. Nakatingin lang ako doon sa screen at pinag iisipan kung sasagutin ba. But my phone stopped ringing so nilapag ko na lang ulit. Kung sinoman yun siguro nagkamali lang ng tinawagan.

I know this is crazy. How can I just do this? Bakit tuwang tuwa ako sa nangyari kanina?This is so wrong. Really wrong. Why is it ang bagay na mali ang nakapagpasaya sakin ngayon? I should feel it towards Robie. He gave me a bracelet. Nag effort pa siya na magpunta dito. Im grateful for it. I really am. Pero hindi nun kayang i overwhelm kung ano yung nararamdaman ko kay Derick.

Kinuha ko ulit yung cellphone ko dahil nag beep. There is a message from unknown person pero kapareho nung number na tumatawag sakin kanina. I pressed the view button. And there were five words.

Please answer. This is Elise

Kung hindi ko siya sasagutin pwede ko naman idahilan na tulog na ako. Anyway alas tres naman na. But there's this certainty trickling inside me that I have to take this call. That there is something with this call..

Suddenly parang nawala na lang lahat yung saya na nararamdaman ko kanina. Suddenly yung onting guilt na nararamdaman ko kanina parang wildfire na na mabilis kumakalat sa buong pagkatao ko. Suddenly I just want to hit my head on the wall and hope na sana makalimutan ko ang lahat para kinabukasan paggising ko wala na akong aalalahanin. Hindi ko na iisipin na may nasaktan ako.

That I lied. I cheated.

Two minutes passed and there's the ring. Nanginginig ang kamay ko and I find it hard to breathe. I count one to ten para kumalma and breathe some air.

"Hello" salubong ko sa medyo pina groggy na boses. Pretending na nagising lang ako mula sa pagtulog.

"Erica" she answered back that's almost inaudible. Kumunot ang noo ko dahil sa tono niya. Nalaman niya kaya?

"Hey, napatawag ka" pumikit ako at dahan dahan huminga. Kailangan kong kumalma. Dahil natatakot ako na baka bigla akong bumigay at sabihin sa kanya ang lahat and end it with a simple sorry.

A sorry that wont be enough for the damage.

There's silence. Na naisip ko nga na baka wala na siya pero may naririnig akong kaunting tunog that probably her breathing. I want to ask what's wrong but I held myself. Ayokong pagmukhaing stupid ang sarili ko if all along I know the reason.

The Wicked Liar 1: The Lying Formula [PUBLISHED BY POP FICTION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon