Lie #4: Everything happens in a day

199K 2.7K 273
                                    

Nagsimula ang araw ko na si Derick agad ang naisip ko. Paano ba naman kasi, the moment na idinilat ko ang mga mata ko pangalan niya agad ang narinig ko. Pagbaba ko nga sa kusina yun pala pinagkukwentuhan siya nila mama. Tuwang tuwa kasi sila. Nagbiro pa nga si papa na baka daw nagpapa good shot sa kanila si Derick kaya nagpagkitang gilas. Hay nako.


"Erica bilisan mo na nga ang pagligo!" kumatok si mama kaya bumalik na ako sa kamalayan na may pasok ako at kailangan magmadali. Nagbanlaw na ako at nag toothbrush saka kinuskos ng mabuti ang buhok ko ng tuwalya pero medyo tuyo na.

Inayusan na naman ako ni mama. This time hindi ko alam kung paano ko babaguhin na lang basta ang buhok ko dahil nakakulot ang dulo. Aish. May nabili kasi si mama sa internet na curler noong isang araw. Para lang siyang tabo tapos lalagyan mo lang ng blower, instant kulot na. Hassle naman kung babasain ko to pati uniform ko mababasa din. Ugh talaga!


"Wag kang magpapagabi ha? At kung magpapagabi ka naman utang na loob tumawag ka o magtext para naman hindi kami nababaliw dito" paalala ni mama. Tumango lang ako at hinalikan na siya sa pisngi. Tulog pa si papa dahil masama ang pakiramdam niya kaya ako lang muna papasok mag isa.

Pumunta na ako sa pintuan namin para palitan yung tsinelas ko ng school shoes. Lumabas na ako. Hindi naman na ako kinakabahan kahit maaga pa dahil madami na din akong nakakasabay na papasok na din. Patawid na sana ako nang may humarang na sasakyan na kulay pula sa harapan ko. Heavily tinted yung bintana kaya hindi ko maismiran yung driver. Nakakabwisit kung basta na lang inihinto yung peste niyang kotse sa harapan ko.


"Hop in" nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto kung sino ang nagmamaneho. Si Derick pala!


"Anong-- paano ka napunta dito?" singhal ko sa kanya. This time hindi ko na talaga itinago ang pagkabigla. Naaaninag ko din na nakasuot siya ng school uniform. Ayun nga lang yung polo niya nakabukas yung dalawang butones kaya kitang kita ko ang dibdib niya. Naka shades din siya. Yung totoo? Papasok ba siya o may pupuntahan na fashion show?


"Bakit, ikaw ba may ari ng kalsada?" he scowled


"Hindi yun ang ibig kong sabihin! Ang sakin lang paano ka napunta dito eh sa pagkaka alam ko taga Paradise Subdivision ka! Masyadong out of the way!" okay hindi ko siya ini stalk kaya ko nalaman kung taga saan siya. Its just madalas siyang pag usapan sa room kaya kahit hindi ako interesado, nakakapakinig naman ako dahil no choice na din. Siya naman ang palaging usapan sa min.


"Uh, hindi kasi ako doon natulog. May bahay din kami dyan sa Green Heights at doon ako nag stay!" he answered back. Sasagot pa sana ako ng sunod sunod na busina ang narinig ko. Nakaharang pala kami sa kalsada!


"Pwede ba wag kayo sa kalsada mag ligawan!" dumungaw sa bintana yung driver nung sasakyan na bumisina samin at pulang pula sa galit. Nataranta naman akong umikot sa passenger seat at sumakay. Mas okay na to kaysa mapahiya. Ang dami pa namang tao.

Uneasy akong nakaupo. Pinatong ko sa lap ko yung backpack ko at niyakap yun. Suddenly bigla akong nilamig. May kahabaan naman tong uniform ko pero naninigas pa din ako. Nag umpisa na mag drive si Derick without even acknowledging me. Nang makita niya ang itsura ko hinubad niya yung blazer niya at ibinigay sakin.


"Ipatong mo yan sa lap mo. Tapos ipang harang mo yung bag mo sa mga binti mo kung nilalamig ka pa din" sabi niya. Napangiti na lang ako at nagpasalamat. Hindi naman na siya sumagot.


"So, ito pala ang itsura mo kapag nakaayos. You're damn beautiful. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit ka pa nagpupunta somewhere para burahin ang make up at nilulugay ang buhok mo" gusto kong isipin na compliment ang sinabi niya pero napaisip ako sa huling tinuran niya. Paano niya nalaman na pumupunta ako kung saan para gawin ang mga bagay na yun?


The Wicked Liar 1: The Lying Formula [PUBLISHED BY POP FICTION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon