We eat in awkward silence. Kasalukuyan kaming nasa coffee shop na nasa tapat mismo ng school. Nakaupo kami sa pabilog na table. Katabi ko si Nico, while magkatabi naman si Elise at Derick na kaharap namin. Like what she said, it's her treat. Umorder siya ng apat na mocha frappe at isang buong blueberry cheesecake. Pero hindi yun ginalaw o tinignan man lang ni Derick. Actually, he's not even looking at me. And now im beginning to miss him..
May bodyguards din sila na nakadistantya at nagkakape sa kabilang table. Which is weird.
"So Erica.." Elise started. Ibinaba niya yung tinidor na ginagamit niya sa pag kain nung cake "What can you say about burger?"
I saw Derick tightened his jaw pero hindi nag react gaya nung kanina. Ayaw niya sigurong pagsabihan si Elise sa ganitong lugar na madaming tao. It's a good thing na kahit paano talaga kaya niya nang i control ang temper niya.
"Mabait yan kahit minsan masungit" sagot ko sa pabirong way habang paunti unting kinakain yung cake. Nakakain na ako kanina kayla Nico pero nakakahiya naman kay Elise kung hindi ko gagalawin. Dahil yung dalawang lalaki naman hindi kumikibo. May mga time nga na nakakalimutan ko na kasama ko si Nico because he barely moves.
"For the whole day niya na nga akong sinusungitan eh. I wonder kung bakit. Maganda naman ako di ba?" sumimangot siya at tumingin kay Derick. He rolled his eyes at her. Nico shot them an expressionless look. Alam kong may napag usapan sila kanina nung nag walk out si Derick when he followed him.
Nginitian ko lang siya. Of couse she's pretty. Ayoko lang na isatinig yun. Hindi ko alam kung nahihiya ba ako o ano. See, it's not everyday na may kakausap sakin na ganito kaganda. And take note, model pa.
"Alam mo ba kung anong favorite na pagkain niya?" she asked excitedly. Napaisip ako. Inaalala yung pag uusap naming dalawa nung kumain kami. Sa five hours na kwentuhan namin nun madami akong nalaman tungkol sa kanya.
"Hmm. Hindi naman maarte si Derick eh. Pero allergic siya sa hipon"
"Awww. Ang cute" napailing na lang ako. Hindi ko alam kung bakit at paano naging cute yun. Naalala ko nga nun nung kumain daw siya sa restaurant at hindi niya napansin na may hipon na maliit yung fried rice akala niya mamamatay na siya. He was rushed to the hospital dahil hindi siya makahinga.
"Do not supply her with so much information" bulong ni Nico na medyo ikinagulat ko pa. Tinignan ko siya pero hindi naman niya sinalubong ang tingin ko. Siguro para hindi naman mahalata ni Elise.
"Eh ikaw, Nico? Di ba bestfriend ka ni burger since nung mga bata pa kayo? Anong masasabi mo tungkol sa kanya?" Nico smirked. Humiwa siya ng isang slice nung cake at naglagay sa plato niya. Still silent. Habang si Elise naman naghihintay ng isasagot niya.
"Well.. Derick is the evilest person I know" he said seriously. Bahagyang napangiti naman si Derick. So I know they're just messing up with her.
"Ahuuh. That's impressive. Type naming mga babae ang bad boy" obviously hindi aware si Elise na niloloko lang siya. But it turned out na nagback fire pa yung sinabi ni Nico
"He's not bad. He's evil. Superlative. Nananakit yan ng babae" bawi niya. And seems so eager na ayawan bigla ni Elise si Derick. But I doubt that..
"Lahat naman ng lalaki marunong manakit. Kailangan mo lang talagang piliin kung sino yung worth it para sa sakit na yun" we stopped eating. I dropped my fork sa sobrang pagkabigla sa sinabi niya. Even Derick seems a bit shocked. What? Did she just said that?
"Come on, this world is not fairy tale. Well, even in fairy tales nga may mga villains, what more sa totoong buhay?" dagdag pa niya. As if she's thinking na na missheard lang namin siya kanina at kailangan niyang linawin yung sinabi niya.
BINABASA MO ANG
The Wicked Liar 1: The Lying Formula [PUBLISHED BY POP FICTION]
Novela Juvenil[Book 1 of 3] Erica could have said no when her parents asked her to transfer schools for her senior year. But she said nothing. She could have ignored Derick Lusterio and his holier-than-thou attitude. But she noticed him instead. She could have wa...