Lie #35: Bracelet

90.5K 1.3K 63
                                    


Karamihan siguro ngayon din ang Christmas party. In usual days hindi naman ganito ka traffic pero ngayon grabe. Hindi mo aakalain na almost eleven pm na dahil marami pa din kotse at bukas pa ang mga establishments.

Natatawa na lang ako kay Derick. He's singing while driving. Kung gaano kami katahimik kanina, kabaliktaran naman ngayon. Nakakatuwa din na hindi mainitin ang ulo niya kagaya ng iba na nagmumura at sunod sunod kung bumusina kapag ganito ka traffic.

Or maybe because, katulad ko ayaw niya pang matapos ang gabing ito. Ayaw niya pang makauwi ako dahil oras na mangyari yun, tapos na talaga.

"I know your eyes in the morning sun, I feel you touch me in the pouring rain. And the moment that you wander far from me, I wanna feel you in my arms again.." sabay niya doon sa music kahit na babae yung kumakanta.

"And you come to me on a summer breeze, keep me warm in your love and then softly leave- bakit ka tumatawa?" tanong niya. Hindi naman ako makasagot dahil natatawa talaga ako.

"Manilla, why are you laughing?"

"Wala natatawa lang ako sayo" sabi ko sabay hagikgik. Natawa lang din siya sabay iling. Then he resumed singing.

"How deep is your love, how deep is your love, I really need to learn, 'cause we're living in a world of fools, breaking us down, when they all should let us be, we belong to you and me"

Napahinto siya ng marinig naming tumutunog yung cellphone ko. Kinapa ko sa bulsa ko pero yung locket lang yung nandun. I turned to my left and right para hanapin and found it doon sa may ilalim kaya kailangan kong mag bend down para maabot.

Boyfriend is calling. At hindi ko alam kung sasagutin ko. Tinignan lang ako sandali ni Derick and gave me a face na nange encourage na sagutin na.

"Baka nag aalala na siya" sita niya sakin nang nakatingin pa din ako doon sa screen. I swallowed hard and pressed the answer button.

"Hello?" I said in a steady voice

"Baby"

"Oh yes? Napatawag ka? Uhm, tapos na party niyo?" mabuti na lang naisip ko yun itanong dahil baka akalain niya na di ko gustong tumawag siya. Ang normal na mag boyfriend, girlfriend hindi na ipinagtataka kung biglang tatawag yung isa.

"Yep ngayon ngayon lang. Ikaw nasaan ka? Tapos na ba kayo?" he asked back. Magkakasama pa ata sila ng mga kaklase niya dahil naririnig ko na maingay yung background niya.

"Oo pauwi na nga. Traffic lang"

"Nag taxi ka ba?"

"Oo" then there's silence. Naririnig ko lang ang paghinga niya. Maybe mayroon siyang iniisip o naubusan na nang sasabihin

"Do you want me to pick you up?"

"Hindi na" mabilis kong pagtanggi na hindi ko na pinag isipan pa. Tinignan ko si Derick na nakatingin sakin habang nakangiti. Noon ko lang din napansin na nasa gitna pa din kami ng traffic.

"Are you sure? Gabi na masyado, babe. Hindi-"

"Okay lang talaga. Nasa gitna kami ng traffic masyadong alanganin kung bababa pa ako. Tatawagan na lang kita kapag nakauwi na ako. How's that?" I propose dahil mukhang determinado siyang sunduin ako. Anyway, totoo din naman na alanganin kung bababa ako. Dahil siguradong mata traffic din siya. Sayang lang sa oras kung sakali.

Wala akong narinig mula sa kanya for a moment until he said "Okay" and the line went dead.

"Nasaan daw siya?" tanong ni Derick refering to Robie.

The Wicked Liar 1: The Lying Formula [PUBLISHED BY POP FICTION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon