Its been a week since it happened. Sinundan pala ako ni papa nun at nakita niya akong palabas na nung subdivision. Taas noo akong umalis sa mansyon ng mga Lusterio. Alam kong hindi nila inaasahan yung ginawa ko. Good for them. For her, specifically.
Hindi nalaman ni mama yung nangyari. We made a story na lumabas kami ni papa para mag road trip gaya nang ginagawa namin dati nung hindi pa masyado mahal ang gasolina. We dont want to worry her. At isa pa, hindi ko alam ang magiging reaksyon niya kapag sinabi kong nagsunog ako ng sampung milyon. Literally, sunog.
At hanggang ngayon wala akong naririnig kay Derick. Walang tawag o text. Naka deactivate din yung Facebook niya. I wonder kung ano ang nangyari pagkaalis ko nun. Pero sana okay lang siya. Hindi din kasi siya pumapasok. At sa nakikita ko alam naman na ng mga teachers yun dahil hindi na sila nagtatanong ng whereabouts niya.
"Erica, halika" sa sobrang pag iisip ko hindi ko napansin si Nico. Hinatak niya ako sa upuan ko at kinaladkad patayo. Sa pagkabigla ko ni hindi ako nakapagtanong kung bakit at saan kami pupunta.
"Nico Valdez, bago mo sana ako kaladkarin sa kung saan sabihin mo muna kung saan tayo pupunta" I yelled at him. Mabuti na lang na hindi ako naka high heels gaya nung iba kaya nasasabayan ko siya. Dahil kung hindi, malamang nadapa na ako kanina pa.
"Wag ka makulit dyan. Basta tignan mo na lang" sagot niya at mas lalo pa kaming bumilis. Nagkukusang gumigilid yung mga estudyante na makakasalubong namin. May iba din kasi na kasabay namin na nagmamadali. Na para bang isang lugar lang ang pupuntahan naming lahat.
Huminto kami sa open lobby. Madaming estudyante na nagkukumpol sa bulletin board. Ano kaya ang nakadikit na announcement dun and it seems like they're all startled na pati si Nico hindi maganda ang timpla ng mukha. Bankcrupt na ba ang Phylisse at magsasara na?
"Excuse us" sabi niya habang gumigitgit kami sa mga estudyante na pinapadaan naman kami.
Nang makarating kami sa harapan, well as usual something unexpected was posted there.
"I have no idea how this freaking happen!" hindi galit si Nico but I can sense frustration sa boses niya. Siguro nagdadamdam siya bilang kaibigan ni Derick na walang alam tungkol dito.
Nakatingin lang ako doon. Isang linggo lang ang nakalipas and now this thing took place. Kahit ako hindi ko alam ang iisipin. Bakit napakabilis naman ata?
"Kaya ba lately hindi siya pumapasok dahil dito?" may narinig akong nagsabi from the crowd but im too busy to notice kung sino yun
Right here in my front, nakadikit sa bulletin board namin ang isang pre wedding portrait ni Derick at ng babaeng medyo familiar sakin at napakaganda. Sobrang puti niya na halos hindi ko na gaano mapansin yung wedding dress na suot niya. Nakaupo siya sa pulang couch at may hawak na bulaklak and smiling sweetly. While Derick on the other hand, naka all white get up and his hair blonde. I didn't know that photography can be beautiful like this. Parang buhay na Derick ang nasa picture ngayon. That tough cheeks, his masculine jaw, and those intense eyes. Na pakiramdam ko nga nakatingin sakin ngayon. That serious face of him that I already memorized on my mind.
Akala ko nawalan na ng interes yung mga estudyante kaya nawala na lang sila. Leaving me and Nico. Pero dahil pala may sinalubong sila na dumating. From the spaces between, nakikita ko si Derick na naglalakad. With the girl on the picture. Nakakapit ito sa braso niya and smiling to everyone. Si Derick naman, diretso lang ang tingin.
"That's really something. I bet the witch has something to do with this" napangiti ako sa sinabi ni Nico. So we have the same codename for her. Hindi ako nakokonsensya kahit nanay pa siya ng kaibigan ko. After what she have done to my parents and me, nah.

BINABASA MO ANG
The Wicked Liar 1: The Lying Formula [PUBLISHED BY POP FICTION]
Teen Fiction[Book 1 of 3] Erica could have said no when her parents asked her to transfer schools for her senior year. But she said nothing. She could have ignored Derick Lusterio and his holier-than-thou attitude. But she noticed him instead. She could have wa...