Nagising ako sa kalabit sa akin ni mama. Gusto ko sana mainis dahil pakiramdam ko sampung minuto pa lang akong tulog pero nang makita ko ang oras bumangon na din ako. Alas cinco na ng hapon. Kailangan kong sunduin ang kapitbahay namin na si Zeke sa school nila.
Pinakisuyo kasi sakin ni Ate Yda na ako muna ang sumundo sa anak niya dahil may faculty meeting daw sila sa pinagtatrabahuhan niyang school. Si Kuya Xander naman kasi nasa ibang bansa kaya ako lang talaga ang pwedeng magsundo. Ang cute nga ng pamilya nila eh. XYZ ang initials nila. Hahaha!
Hindi naman na sila iba sakin. Mababait silang kapitbahay. At higit sa lahat kapatid na din ang turing ko kay Zeke.
"Anong oras na? Pumunta ka na doon para maunahan mo ang labasan. Baka masalisihan ka ng batang yun mamroblema pa tayo" bilin sakin ni mama. Sinandal ko muna ang ulo ko sa head rest sandali at mariin na pumikit. Nakatulog agad ako kanina pag uwi dahil sumasakit ang ulo ko. Mabuti nga half day lang kami sa school dahil mastery exam. At dahil Math yung tinest kanina, pakiramdam ko natuyo ang utak ko sa kakapiga ng sagot
Tumayo na ako at nagpalit ng cotton pants. Nagtali na din ako ng buhok dahil masyado siyang messy. Naku yang Zeke na yan subukan niya ako pahirapan lagot talaga siya sakin! Grade six pa lang ang dami na kasing kalokohan nun.
"Zeke!" malakas kong tawag sa kanya nang makarating na ako sa St. Ignatius University. Sakto lang ang dating ko. Naglalabasan na ang mga estudyante. Mukha namang hindi niya ako napansin dahil may kinakausap siya at sa dami ng kasabayan niya na lumalabas kaya lumapit ako.
"Zeke!" ulit ko sa mas malakas na tinig. Napatingin naman na siya sakin. At nagkagulatan kami pareho.
Nagulat siya sa pagkakita sakin at ako naman nagulat sa nakita ko. May ka holding hands siya na babae!
"Zeke! Halika nga dito!" nanggagalaiting sabi ko. May sinabi siya doon sa babae at nagkakamot na lumapit sakin. Binatukan ko kaagad siya
"Aray naman, Ate Erica!" reklamo niya kaya piningot ko naman siya
"Ano yung nakita ko?! Ang bata bata mo pa may girlfriend ka na?! Gusto mo bang isumbong kita kay Ate Yda ha?!"
"Ate wag naman! Mahal na mahal ko po si Bea"
"Mahal?! Alam mo ba kung ilang taon ka pa lang?! For heaven's sake twelve years old ka pa lang! You know nothing about love!" hindi ko mapigilan ang pagtaas ng boses. Concern lang ako sa kanya. Kapag nalaman to ng magulang niya patay siyang totoo. Baka pati kayla mama makatanggap siya ng sermon
"Bakit ate? Kami lang ba ang ganito? Tsaka wala naman masama ah? Wala kaming ginagawang hindi maganda!" depensa niya sa mas malakas na boses. At mukhang iiyak pa siya
"Hihintayin mo pa ba na may gawin kayong masama? Zeke, ang babata niyo pa. Hindi niyo alam ang pwedeng mangyari. Wala pa kayo sa hustong edad para sa ganyan" mahinahon ko nang sabi
"Is there any problem here?" biglang may nagsalita sa likuran namin. Nang lingunin ko, lalaking matangkad at pamilyar sakin. Si Nico! As in Nico Valdez!
"Kuya!" may babaeng sumigaw. Yung girlfriend ni Zeke at lumapit samin para yumakap sa bagong dating. Sinalubong naman siya ng yakap ni Nico.
"Erica?" pagtuon niya ng pansin sakin. Hilaw lang akong ngumiti at kumaway.
"Kapatid mo ba ang boyfriend ng kapatid ko?"
"Hindi po! Kapitbahay ko lang siya! Pero sabi nila pwede na din daw kaming magkapatid" si Zeke ang sumagot
"O di ba may date kayo ng kapatid ko ngayon?" tanong ni Nico kay Zeke. Nanlaki ang mga mata ko at hinarap siya
BINABASA MO ANG
The Wicked Liar 1: The Lying Formula [PUBLISHED BY POP FICTION]
Teen Fiction[Book 1 of 3] Erica could have said no when her parents asked her to transfer schools for her senior year. But she said nothing. She could have ignored Derick Lusterio and his holier-than-thou attitude. But she noticed him instead. She could have wa...