Lie #40: The Other Side

116K 1.3K 162
                                    

Elise's POV

Furtive glances. Secrets gossiped. Beauty criticized. There are times in my life na gusto ko na lang biglang maglaho. Hindi naman mamatay. What I mean is, yung tipong one day magigising na lang ako at nasa ibang lugar na ako. Away from here. Away from this people.

Sometimes I find it hard to breathe. Pakiramdam ko kada galaw ko may nakatingin. Palagi na lang may nakasunod. At kapag magkakamali ako may nakaabang agad na masasakit na salita na ipupukol sakin.

I never experienced that, anyway. But then alam kong sa likod ng pag ngiti nila sakin ay may mga ka plastikan silang tinatago. Interesado sayo hindi dahil gusto niya ang personality mo. But because you're pretty and some rich bastard's daughter.

Welcome to the upper class society. Where money can buy anything.

"Abangan mo ang announcement ng daddy mo, Elise. Mamaya maya lang aakyat na yun ng stage" Mom said and gently massaged my arm. Payak lang akong ngumiti at tumango. As much as I want to run away from here, hindi ko naman magawa dahil bukod sa birthday ito ni daddy, ibinilin niya din kanina sakin yung announcement na gagawin niya na dapat kong mapakinggan. And yeah, I do not have any idea about it.

"Greetings ladies and gents" napaayos ng upo si mommy. Even me, sit straight up and have my eyes attentive sa kung ano man ang sasabihin ni daddy. Napansin ko na may kasama siyang dalawang tao doon sa stage. If I remember it correctly, they are Mr and Mrs. Lusterio. Mga kaibigan at kasama sa negosyo ni daddy. And lately palagi nga silang magkakasama.

"I know you've been waiting for this announcement simula pa kanina so ngayon hindi ko na papatagalin pa. I just want everyone to know how proud I am that soon, my daughter Elise and Mr and Mrs. Lusterio's son, will be engaged" dad said with all smiles and even proposed a toast. I dont know how come na nakatayo na pala ako. And I am aware na nakabukas ang bibig ko at nanlalaki ang mga mata sa gulat.

Gusto ko sana isipin na nananaginip lang ako. Pero yung palakpakan ng mga bisita namin ang nagpaalala sakin na totoo ito. No, this cant be happening! How come na magpapakasal na ako when I am just seventeen! For Pete's sakes, wala din akong planong magpakasal kahit na kanino!

"Elise, daughter come here" dad motioned me to come forward pero nakatingin lang ako sa kanya na parang tanga. Nakakunot na ang noo cause probably nagtataka siya kung bakit hindi ako gumagalaw.

"Anak, tinatawag ka ng daddy mo" susog pa ni mommy na hindi naman nakatulong. No! This is so much to bear! I know money can buy anything pero hindi ako kasali doon! I cant just marry a man na hindi ko naman kilala! Kung sino man yung anak ni Mr. and Mrs. Lusterio, hindi ko siya kilala! For all I know he's a psychopath o ubod ng pangit!

I put my brave face on at hinawakan yung laylayan ng dress ko at tumakbo palabas. All my life I've been a good girl. I did everything para hindi sila ma disappoint. When mom told me na mag model, sinunod ko siya in a heartbeat. When dad said why dont I try acting - though suggestion yun alam kong utos pa din yun, sinunod ko siya.

Pero hindi na ngayon. Pagod na pagod na ako.

Unfortunately, hindi ako nakalabas ng mansyon namin. Dad saw it coming at wala pang ilang segundo hinahatak na ako ng mga bodyguards namin pabalik. Sa gilid kami dumaan para hindi makita ng mga bisita ang pago outburst ko pero wala din naman silang magawa sa pagsigaw ko ng malakas. Of course they cant hurt me. Dad will kill them.

Hanggang nasa second floor na kami and one of them pushed my bedroom door open at kung basta na lang ako inihagis sa loob. Tumayo ako kaagad para makalabas but too late. I heard the dangling of keys from the other side at ng pihitin ko yung door knob it didnt work. Kinalampag ko pa yung pintuan at nagsisisigaw na palabasin ako pero wala din. Kungsabagay, sa lakas ng music sa sala malabong marinig ako.

The Wicked Liar 1: The Lying Formula [PUBLISHED BY POP FICTION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon