Lie #28: Wrong Girl

122K 1.5K 97
                                    

Simula nung naging kami, parang wala pa akong natatandaang pagkakataon na nakapagsolo kaming dalawa. Yung sa restaurant pa lang sana but it turned out not be happy as I expected.

Hindi naman kami nagbreak. But after it happened, parang ang awkward na. Neither of us says a word afterwards. Now I have every reason to break up with him but then what will happen? Parang nauwi lang din sa wala ang lahat. Everything will be back to normal again. At magkakaroon na naman ng pagkakataon si Derick na i persuade ako.

Hindi naman na gaano madikit sakin si Robie. Seems like naiilang din siya. There are times pa nga na parang napapaso siya everytime na magkadikit lang ng onti ang mga balat namin. I asked him out of it then he told me na ayaw niyang pag isipan ko siya ng masama.

Somewhat it's a relief. Since I dont have to deal with his kisses for now. That I dont have to bear those bittesweet lips.

"Gotta be in comfort room for a while. I'll be back" hindi na ako nakasagot. He stood up at naglakad palabas ng cafeteria.

Katatapos lang ng exams namin kanina. Two weeks from now christmas break na. So now he just wants us to spend time together. Actually may date na naman kami mamaya pero kasama si Elise at Derick. I dont feel quite comfortable with the idea. Really, I assume na maraming places na alam yung dalawang yun but I dont know why they're clinging to us.

Hindi ko namalayan na malalim ang naiisip ko until I realized na nagtatawanan ang mga tao sa paligid ko. Doon ko lang din naramdaman na parang may malamig na dumadampi sa dibdib ko. Eunice. Binubuhusan ako ng malamig na tubig.

I barely have time to react. When im about to smack her mabilis siyang nakaalis sa tabi ko at pumunta sa kung saan hindi ko siya maabot though nakatingin pa din siya sakin and smirking. Kasama niya yung dalawa niyang kaibigan na nakapameywang and have the same ugly smirk as hers.

"Inaano kita?" I jerked. I narrowed my eyes at tinignan yung polo uniform ko. Bumabakat yung bra ko dahil doon sa basa. Wala pa naman akong blazer dahil naiwan ko doon sa locker ko. I crossed my arms para kahit paano matakpan yun.

"First it was, Derick. Then may naririnig din ako na parang may affair kayo ni Nico. Then now, si Robie naman? Who's next? Of course sa mahirap na tulad mo hindi naman na nakakapagtaka kung aakto ka na parang pokpok pero sumusobra ka na!"

Pakiramdam ko nagpantig yung tenga ko sa sinabi niya. Tumayo ako then started walking towards her pero may humatak sa kin. Sisinghal sana ako na bitawan niya ako but I swallow those words upong seeing those cold brown eyes.

"Anong problema mo, Eunice?" he asked softly but in dangerous tone.

"Uhm.. Uhm.." Eunice stammered. Unti unti na din humahakbang patalikod yung mga kasama niya ng tapunan sila ni Derick ng nagbababalang tingin. If I were in their place siguro kakaripas pa ako ng takbo.

When was the last time I saw those furious eyes? Nung makita niya ako sa library na may mga lalaking kasama? When he kissed me roughly? It seems forever

"Anong ginagawa mo kay, Erica?!" he shouted nang hindi sumasagot si Eunice. This is also the first time na tawagin niya ako sa pangalawa kong pangalan. And now im worried too. Mukhang galit nga talaga siya.

"Derick wala lang to. Tumigil ka" but all he gave me was a death glare. I shut my mouth and looked away

Iginala ko ang mga mata ko. Hindi ko makita si Robie pero malamang maya maya lang nandyan na siya. O baka nga may nagparating na sa kanya nitong nangyayari. Walang ingay na maririnig kahit kaunti. The laughing died down. I can almost hear my own hearbeat. Pasimple kong inalis yung braso ko sa pagkakahawak niya but he gripped it tighter.

The Wicked Liar 1: The Lying Formula [PUBLISHED BY POP FICTION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon