Lie #33: Invitation

103K 1.5K 206
                                        


Nakatingala lang ako sa kisame pagkagising. Nanaginip ako na nasa isang lugar daw ako na madilim. May pinapanood akong dalawang taong nagsasayaw. Babae at lalaki na nakasuot ng maskara. Parang prom yung eksena. Naka dress na color blue yung babae habang naka white tux yung lalaki. Hindi ko kilala yung babae but somewhat familiar sakin yung lalaki. Familiar yet stranger.

Ayoko na lang siyang isipin dahil hindi naman ako naniniwala sa mga signs. Hindi ako katulad ng iba na humihingi ng signs. I dont know, but for me they're just stupid things. Hindi naman ako ganun ka hopeless. Signs will just give me paranoia. And I cant let myself be fooled by my own wishful thinking.

"Erica, gising ka na ba?" napatingin ako doon sa saradong pintuan. Halos alas dose na ako naihatid ni Robie kagabi at talagang napagod ako. Binuhat niya ata ako o ano dahil tulog na ako sa sasakyan pa lang. Kaya nga nagtataka ako ngayon bakit naka pambahay na ako at nandito sa kama.

At nasa kwarto ako ng magulang ko. Well, hindi ko napansin dahil parehas lang naman ang itsura ng kwarto ko at nila. And besides, sa kisame lang naman ako nakatingin so hindi ko napansin na nasa ibang kwarto pala ako. Whoa

"Erica, gising ka na ba? May bisita ka" ulit ni Kuya Glenn sa sinabi niya at kumatok ulit. This time bumagon na ako. Monday ngayon and damn may pasok ako!

Bisita? Sinong bibisita sakin at this ungodly hour?

"Kuya sinong bisita?" tanong ko pagbukas ng pintuan. Nakatukod si kuya sa pader at nakakunot ang noong nakatingin sakin

"Pwede ayusin mo ang sarili mo? Wala ka pang bra. Bilisan mo. Well, hindi ko kilala but she's dressed up na parang may party na pupuntahan" she. So meaning babae. Oh darn it!

Bigla akong nahiya nung na process ko yung isa pang sinabi ni kuya. Wala akong bra! Dali dali akong tumalikod and slammed the door shut again. At doon nga sa may mesa nakita ko ang bra ko.

Inayos ko ang sarili ko. Tinali ko ang buhok ko at naglagay ako ng kaunting polbo. Mabuti na lang may cr na dito sa kwarto nila mama. Simula nung ma ospital siya, inasikaso agad ni papa ang pagpapagawa nito para sa ikadadali ng buhay ni mama. Ikadadali, i mean, life will be easier. Yung tipong wala ng hassle!

Sino yung bisita? Hindi kaya mommy ni Derick yun? But hell no. Hindi naman siguro ganun kakapal ang mukha niya para magpakita dito. At if ever man na mangyari yun, siguro nasa doorstep pa lang siya hahabulin na siya ni mama at may hawak itak.

Pumunta ako sa kwarto ko para silipin yung mga pinsan ko pero pagbukas ko ng pintuan wala ni isa ang nandun. Nakaayos na din yung mga unan at kumot. Tanghali na nga talaga.

"Umuwi na sila kaninang madaling araw" napalingon ako nang magsalita si Kuya. Siguro iniisip niya na hinahanap ko sila Louisse.

"Sino yung bisita? Hello, monday ngayon! At bakit hindi man lang nila ako ginising?!" sabi ko na may pagdadamdam. Grabe naman mga yun! Aalis sabay hindi magpapaalam sakin!

"You sleep like a dead, sweetheart. At isa pa, alas dos sila ng madaling araw umalis. Pagod na pagod ka so they didnt bother to wake you up anymore. Anyway, may mga iniwan silang papel so basahin mo mamaya"

Hindi pa din yun nakatulong. Ugh, nakakainis! So what naman kung pagod ako di ba?! Di ko lang talaga matanggap na hindi man lang ako nakapagpaalam sa kanila at naitanong man lang kung nag enjoy ba sila sa stay nila dito. Nakakainis! Ayoko kasi talaga ng ganun. Yung aalis na hindi man lang nagpapaalam.

"Wag mo na damdamin yun. Doon naman tayo sa pasko. And that's less than two weeks from now. So please, fix yourself. At base sa mukha nung bisita mo, she's not that extremely patient type of person, so start moving, you snail" hinatak na ako ni kuya at bumaba na nga kami.

The Wicked Liar 1: The Lying Formula [PUBLISHED BY POP FICTION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon