Lie #21: Consoled

98.7K 1.5K 68
                                        

Isang linggo na akong hindi pumapasok and I know I have missed couple of lessons already. Pero wala naman akong choice. Ayokong iwan si mama. Though nandito naman si papa, ayoko pa din. Gusto kong ako mismo ang mag alaga sa kanya.


"I have brought the tasks you should accomplish. Nasabi ko naman na sa mga techers ang nangyari so you're excuse" Nico said. Napatingin ako sa kanya and smiled weakly. Malaki ang utang na loob ko sa kanya. Simula ng ma confine si mama, halos siya ang gumagalaw. Siya pa nga ang tumawag nun kay papa eh. Wala na kasi talaga ako sa huwisyo. All I care about is her.


"Thanks, Valdez"

"Just thank you? Hmm, wala bang polvoron dyan?" he teased at natawa na naman ako. With all the help na ibinibigay niya ngayon? Kulang pa siguro ang isang truck para sa kanya.

Kinuha ko yung duffel bag na nasa ilalim ng kama. Sa isang linggo, sandali lang kung gumising si mama. Commonly, para kumain at makipagkwentuhan lang sandali. Then after that, matutulog na naman siya.

I tossed the box na may lamang polvoron kay Nico. He catched it with both hands and grin with thriumph then sneaked out of the room. May mga times na matatawa ka na lang talaga sa kanya. Para siyang bata.

Hindi pa din ako nasasanay dito sa kwarto. Presidential suite. Hindi ko alam kung bakit nagpumilit si Nico na dito ilagay si mama pero wala naman akong magawa. Sa kabila ng matindi kong pagtanggi, hindi siya nakinig. Sabi niya lang na makakabuti daw kay mama. Siguro para sa kanya na namulat sa karangyaan okay lang ang ganito. Pero nakakahiya talaga. Mas mukha pa ngang siya ang anak kaysa sakin eh. May mga time na siya pa ang pumupunta sa pharmacy para bumili ng gamot.

Si papa naman ang madalas kausap ng doktor. Hindi ko alam kung ano ang pinag uusapan nila pero sa tingin ko seryoso. Ni hindi nga sinasabi sakin ni papa kung ano yun eh. Ayoko naman magtanong. Lately kasi parang stress siya.

I get to my feet. Tutal tulog naman si mama aabusuhin ko muna yung pagkakataon na to para tignan yung sinasabi ni Nico na kailangan kong gawin sa school. I browse the pages of handouts. Tsk, madali lang naman pala. At mabuti puro written task lang.


"Hey, anak" napalingon ako. Sa sobrang abala ko sa pagbabasa di ko napansin ang pagdating ni papa. May dala siyang basket na puno ng prutas.


"Oh, pa? Ginagawa ko muna yung mga assignments ko para makahabol ako" sabi ko dahil parang nagtataka siya kung ano ang ginagawa ko.

Hindi na siya sumagot. Nilapag niya sa side table nung kama yung dala niya at umupo sa tabi ni mama. Pinagmasdan ko muna sila. May mga time na naiisip ko, ano kaya mararamdaman nila kapag wala na ako? I mean kapag may sarili na akong pamilya at nakabukod sa kanila. But knowing them? Inaalagaan nila ang isa't isa.


"Nakausap ko yung doktor" tinignan ako ni papa at parang nagdadalawang isip pa siya kung ipagpapatuloy yung sasabihin niya. Bigla akong kinabahan. Ewan ko, base sa mukha ni papa mukhang hindi maganda.


Huminga siya ng malalim at tinignan ako "May brain cancer ang mama mo"

Siguro sa ibang pagkakataon tatawa ako ng malakas. O di kaya pabiro kong hahampasin sa balikat si papa at sasabihing hindi nakakatawa ang biro niya. But I found myself unable to move. Pakiramdam ko may invisible forces na pumipigil sakin para makagalaw.

Si mama may cancer? Paano at kailan pa?


"Yun ang dahilan kung bakit madalas sumasakit ang ulo niya" dagdag pa ni papa. I clenched my fist. Hindi ko mapigil ang sunod sunod na pagpatak ng luha ko. Before I knew it, nakatayo na ako at tumakbo palabas.

The Wicked Liar 1: The Lying Formula [PUBLISHED BY POP FICTION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon