"Merry Christmas and Happy New Year everyone!" bati samin ni Mrs. Velasco and raise her glass para sa isang toast. Nakisama naman kaming lahat and raise our glasses.
As our year end party, napag desisyunan ng buong klase na sa labas mag celebrate. Pwede naman as long as may permit ng parents. And since okay naman ang lahat, eto nga't nandito kami sa apartment ni Mrs. Velasco.
Siya ang adviser namin. Our second mother gaya nang sinasabi niya palagi, kaya gusto niya na dito kami sa bahay niya since siya lang naman daw mag isa. Kahit paano naman daw gusto niya na maramdaman ang presence ng christmas dito.
"Same to you ma'am" sagot namin at sabay sabay na nilagok yung wine. Anyway, hindi naman mataas ang alcohol content nito so hindi niya kami pinagbawalan.
Napapitlag ako ng may humawak sa likuran ko. Paglingon ko si Nico lang pala. Nakadiretso ang tingin niya kay ma'am pero yung kamay niya nasa likod ko.
"Ano yun?" tanong ko na hindi tumitingin sa kanya
"Tignan mo si Derick" bulong niya at ginuide yung ulo ko doon sa sinasabi niya. Then there he is on the far corner. Sa bote mismo umiinom ng wine. Hindi ko mapigilan matawa
"Hahaha. As if naman na malalasing siya" sabi ko and continue giggling.
"Well, duda ako kung wine ang laman niyan. Have I told you yung kalokohan na ginawa niya nung third year kami? Nagdala siya ng alak sa school. Naipasok niya dahil nakalagay sa water jug"
Tinignan ko ulit si Derick. This time pinagmasdan ko yung mukha niya. At masasabi kong may kaunting pamumula sa magkabilang pisngi niya. Na sense niya ata na may nakatingin sa kanya so I looked away at tumingin ulit kay Mrs. Velasco na nagsasalita pa din. Telling us things about life and how we should spend the new year coming.
"Alam niyo ba kung bakit di naimbento ang time machine? Dahil may mga bagay na mas maganda na di na dapat balikan pa" naabutan kong sabi niya. Yeah, kung may time machine siguro, everything will be complicated.
"Fuck, ang tagal naman ng speech. Gusto ko na kumain" nagkamot ng ulo si Alex sabay simangot. Yung kaklase kong nampatid sakin nung first day. Okay naman na kami though hindi ko siya gaano nakakausap. Actually, okay naman ako sa mga classmates ko pero may sari sarili lang talaga kaming mundo kaya hindi ko din sila nakakasama.
Sa itsura ni Alex, mukha ngang bored na bored na siya. Samantalang wala pa atang one hour kami nandito. 6:00 pm kami dumating, eh 6:50 pa lang.
"Erica, sasama ka ba mamaya?" kalabit sakin ni Princess. Napakunot ang noo ko dahil hindi ko alam ang sinasabi niya
"May after party. Sa bar" pag supply niya dahil marahil nakita niya ang pagkalito sa mukha ko.
"Ay, hindi. Hindi ako papayagan samin" pagtanggi ko. Nagkibit lang siya ng balikat and started asking yung iba pa.
Sa wakas napagod na din si Mrs. Velasco sa kakasalita. Nagtayuan na kami para kumuha ng pagkain. Nag ambagan ang buong klase pero yung iba nag volunteer na magdala. Hindi naman madami pero sapat na para samin lahat.
I settled with lasagna and a slice of pizza. Wala ng pwesto dito sa kusina so pumunta ako ng sala. Okay lang naman kay Mrs. Velasco since ipapalinis din naman daw niya tong place niya bukas.
Wala na din ibang pwesto kung di sa tabi na lang ni Derick. Ayoko naman kumain nang nakatayo so umupo ako sa tabi niya without acknowlodging him. Hindi din naman niya ako pinansin dahil kumakain na siya.
Siguro nalulungkot siya dahil wala ngayon si Elise. Since ilang araw na lang engagement party na nila, marami siyang kailangan asikasuhin. Sabi niya nung monday ngayon daw makukuha yung damit na susuotin niya tapos may mga bibilhin pa siyang accessories so hindi daw talaga siya makakapunta ngayon.
BINABASA MO ANG
The Wicked Liar 1: The Lying Formula [PUBLISHED BY POP FICTION]
Teen Fiction[Book 1 of 3] Erica could have said no when her parents asked her to transfer schools for her senior year. But she said nothing. She could have ignored Derick Lusterio and his holier-than-thou attitude. But she noticed him instead. She could have wa...