Warning: SPG
Happy New Year! <3
"Wala akong maisip na paraan how to shut you up, so there.." he murmured to my lips pagtapos ay lumayo na.
Hindi ko alam kung paano magre react sa sinabi niya kaya nakatingin lang ako sa kanya habang hawak ang labi ko. I still can actually feel his lips on mine.
"Derick.."
"What? What is going on with you again? Isang buwan mo akong hindi pinansin!" nagulat ako ng bigla na lang niyang isigaw sa akin yun. Lumakad siya palayo para lang sipain yung pinto ng isang cubicle. Hindi na siya nakuntento, sinuntok niya yung salamin at nabasag yun.
I saw his knuckles bleeding at nagmadali akong pumunta sa kanya "What the hell is wrong with you?!" sigaw ko pero hindi naman ako nagagalit. Nag aalala ako. Mukhang malalim pa yung sugat niya dahil grabe kung dumugo.
Mabuti na lang na bukod sa Vendo Machine, may first aid cabinet din dito na nakadikit sa dingding. Binuksan ko yun at kumuha ng band aids, bulak, alcohol at betadine.
Mabilis ang mga kilos ko. Hinugasan ang sugat niya at parang naka program na sa utak ko ang pag gamot sa kanya dahil kalculado ang mga galaw ko.
"What the hell is wrong with me?! You! Dahil sayo! Hindi na kasi kita maintindihan eh! We spent New Year together at okay naman tayo nun sabay bigla mo na lang ako hindi papansinin! Na parang hindi mo ako kilala!" tinapos ko ang pag gamot sa mga sugat niya through putting band aids. Mabuti na lang at maliliit lang naman.
When I looked up, hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. It's Derick on the verge of crying. Pumikit ako sandali and try to organize my thoughts na kung anong sasabihin sa kanya.
"Hindi mo ba naiintindihan? Derick, hindi pa ba obvious yung sagot sa tanong mo?Nakalimutan mo na ba yung pag confront sakin ni Elise?" I asked softly
"So what?!" nanggagalaiting tanong niya pabalik at kumawala sa pagkakahawak ko sa kamay niya
"Anong so what?! Yun ang dahilan kung bakit hindi kita kinakausap!" sigaw ko sa mukha niya.
Nag uumpisa na akong ma frustrate. Pumasok na naman sa utak ko yung lalaki kanina na nagsabing magpapakasal sa iba si Robie. Oo sinabi ko kanina na nagsisinungaling siya pero ngayon na ma pagkakataon akong pag isipan ang mga sinabi niya, nagdadalawang isip na ako.
"Hanggang kailan ba tayo ganito, Erica?! Hanggang kailan ba natin itatago ang lahat satin?!" sabi na naman ni Derick that cut my thoughts.
I narrowed my eyes "Satin?! Walang meron satin!" I shouted at tumalikod sa kanya. Bwisit yan si Princess at Annabeth! Malilintikan talaga mga yun oras na makalabas kami dito! Hindi tuloy ako makapag walkout dahil sarado yung pesteng pintuan! And I doubt it kung may makakarinig samin kahit magsisigaw pa ako dahil malakas ang music sa gym. Isa pa, walang baliw na pupunta dito sa ganitong oras.
Pumasok na lang ako sa isang cubicle at ni lock yun. Basta makalayo lang sa kanya. First time na mangyari sakin tong prom tapos ganito pa ang kalalabasan. Imbes na nage enjoy ako eto ako, trapped here with him.
"So yeah, that was you. Gusto mo lang pala ng ganun but no strings attached. Okay, I get it now"
Hindi ko siya pinansin. Sinabi niya lang yan para pikunin ako at humaba ang usapan. Nakakainis pa dahil hindi ko pala dala yung pouch bag ko! Nandun yung cellphone ko eh!
"Get out of there Erica kung ayaw mong ako ang pumasok dyan. And believe me hindi mo magugustuhan ang gagawin ko" pagbabanta niya.
Alam ko naman na more or less he's not bluffing but then ayoko pa din na makita siya. Malaki naman tong CR kung tutuusin but with him here pakiramdam ko ang liit at hindi ako makahinga.
BINABASA MO ANG
The Wicked Liar 1: The Lying Formula [PUBLISHED BY POP FICTION]
Teen Fiction[Book 1 of 3] Erica could have said no when her parents asked her to transfer schools for her senior year. But she said nothing. She could have ignored Derick Lusterio and his holier-than-thou attitude. But she noticed him instead. She could have wa...
![The Wicked Liar 1: The Lying Formula [PUBLISHED BY POP FICTION]](https://img.wattpad.com/cover/14829446-64-k787911.jpg)