Lie #9: Intramurals [Part I]

161K 2.2K 149
                                    

Intramurals is coming! Kaya medyo nagkakagulo sa buong Phylisse Academy dahil sa sobrang excitement. Nagtitinda ng tshirts ang school. Depende kung sino ang ichi cheer mo. At ang balita ko, mabenta daw yung kay Derick.

Speaking of the devil, nandito na siya ulit sa classroom. Alam kong nakahinga ng maluwag ang mga teachers. Kasi naman eh. Dahil sa pagiging OA niya na humiwalay samin, nahihirapan ang faculty na mag adjust. Pero ngayon normal na.


"Uy, mabenta daw yung tshirt mo ah" sabi ko sa kanya. Magkatabi kami. Buti na nga lang hindi siya makulit.


"Hmmm" yun lang ang sagot niya sakin. Nakasubsob kasi ang mukha niya sa desk dahil antok na antok siya.


"Sabi magaling ka mag basketball. Eh bakit nung pinanood kita hindi naman?" baka kasi mahawa ako sa antok niya kaya mas mabuti siguro kung daldalin ko na lang siya tutal halos hindi naman kami napapansin ni Sir Casiñas. Eto naman din kasi eh. Walking boredom. Wala nang ginawa sa klase kung di mag discuss. Wala namang activity!


"Wag ka kasi manood. Bad luck ka eh" hinampas ko siya sa braso. Nasaktan siguro siya dahil bigla siyang napabangon at tinignan yung part na hinampas ko.


"Mapanakit ka talaga eh noh? Emotionally and physically" he growled


"Ikaw naman kasi eh! Paano ako naging bad luck?!"


"Nung nanood ka PE yun di ba? Natalo kami nun eh. Nadistract ako nung nakita kita" dagdag pa niya. Napasimangot ako. Oo nga, sa pagkakaalala ko nung nakita niya ako nun hindi na pumapasok yung mga tira niya. Pero kahit na noh! Di ko pa din kasalanan yun!


"Joke lang. Ang ganda mo kasi eh. Kaya yun" tinarayan ko na lang siya. Sa totoo lang, nakakapanibago. Minsan nga iniisip ko kung si Lusterio ba talaga to. Palatawa, marunong na mag joke, medyo mabait na. Malayo sa kung paano ko siya unang nakilala na seryoso at magaspang ang ugali.

Di kaya sinasaniban to?


"Hoy babae anong ginagawa mo?" pinagp pray over ko siya.


"Lord, please paalisin niyo na po yung kaluluwa na sumapi sa katawan ng kaibigan ko.." I say habang nakahawak sa ulo niya


"Shit, anong ginagawa mong kalokohan?! Manilla, stop it!"


"Lord parang awa niyo na po.."


"Hindi ka na nakakatuwa"


"Lusterio! Dela Serna!" napahinto ako nang umalingawngaw sa buong klase ang boses ni Sir Casiñas. Nakatingin naman samin ang lahat. Nag peace sign ako. Hihihi.


"Anong ginagawa niyo at ingay ingay?!"


"Sir nagp pray po ako" sagot ko. Tumawa naman ang buong klase. Anong nakakatawa? Di ko sila magets


"Namimilosopo ka ba?!" pinalo pa ni sir yung desk niya. Nakakatakot. Namumula na siya. May pagka bakla pa naman to kaya masungit talaga


"Casiñas, wag mo siya sigawan!" nagulat naman ako nung magsalita si Derick. Yun bumalik na ata siya sa katinuan. Thankyou, Lord the best ka po talaga!


"Ako ang wag mong sinisigawan, Lusterio! Wala akong paki kahit kanino kang anak o apo! Both of you, get out!"


"Pero sir-"


"Labas!" magre reason out sana ako but he cut me off. Nagkatinginan muna kami ni Derick. Si Nico naman nakita namin na humahagikgik pa kaya tinarayan ko siya.


The Wicked Liar 1: The Lying Formula [PUBLISHED BY POP FICTION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon