Chapter 1

9.4K 161 55
                                    

HoneyBabe's POV

"Anong oras na ba?" Sabay tingin sa orasan. Shems! 10:30AM na? Mag mo-mall pala kami nila Melody at ni Andrea ngayon!

Napabalikwas ako patayo ng kama at nagmadaling dumiretso sa banyo. Ginawa ko ang lahat ng ritwal ko at nag-ayos ng sarili para makaalis na agad ako ng bahay.

Paglabas ko ay agad kong kinuha ang cellphone ko upang i-text sila.

 

"Bessy! Sorry, ngayon lang ako nagising! Saan na kayo? Kita na lang tayong mall. Sorry!"

Pagka-text ko sa kanila ay binalik ko na ulit ito sa bulsa ko at nagmadaling pumunta ng sakayan ng jeep. Pagkarating ko ay sakto namang may nag-aantay na jeep kaya sumakay na'ko agad. Maya-maya habang nasa byahe ako ay biglang nag vibrate 'yung cp ko. Si Andrea nag text.

"Hay nako! Sanay na kami sa'yo sisteret! O, sige wait ka namin sa WOF ah! Faster!"

Hindi na ako nag-reply at hinintay na lang na makarating ako sa tapat ng mall. Pag baba ko ng jeep, dali-dali akong pumasok ng sta.lucia at pumunta ng WOF(World of Fun).

Inilibot ko lang ang mata upang hanapin sila. Medyo madami ang tao ngayon, ah. Teka, ayun sila!

Nagmadali akong tumakbo palapit sa kanila kahit na sobrang daming nakaharang na tao sa dinaraanan ko.

"Bessy, sorry talaga, ah!" Sabi ko pagkalapit ko sa kanila.

"Okay lang 'yun, tara sakay tayong Bump Car!" Sagot ni Melody at hinila na kami.

"Aba! Sige at ng madurog ka na naman samin ni HoneyBessy! Hahaha!" Sagot ni Andrea habang bitbit pa rin kami ni Melody sa magkabilang braso namin.

Ayun pumila kami sa bilihan ng ticket. Medyo mahaba ang pila kasi weekend ngayon.

Habang nasa pila kami. Siguro mga 20 minutes na kaming nakapila, eh, biglang may sumingit na mga lalaki.

"Ahem! Excuse lang po mga Kuya, ha? Kanina pa po kami dito nakapila. Tapos kayo sisingit lang ng ganun kadali? Aba'y 'di naman matigas ang mga mukha niyo ano po!?" Mataray na sabi ko sa mga lalaking sumingit sa harap namin.

Napatingin 'yung lalaki sa akin, "Ah ganun ba miss? Sorry, 'di kasi uso samin 'yung salitang PUMILA eh! Okay?! Kaya pwede ba 'wag kang gumawa ng eksena dito?" Sagot sa'kin ni Kuyang walang modo.

"Ay? Ganun ba? Pwes! 'Di din uso samin 'yung salitang MATAKOT! Porke't mga lalaki kayo kala niyo uurungan namin kayo? 'Di ba girls?" Nakapamaywang kong sabi.

'Yung dalawa kong magaling na kaibigan nakatulala lang dun sa lalaki. Siniko ko nga isa-isa. At ayun, mukhang natauhan naman sila.

"Oo nga, tama! Wala kayong karapatang mang lamang ng kapwa n'yo!" Sabi ni Melody nang bumalik ang ulirat niya.

Medyo natawa ako sa sinagot ni Melody. Haha!

Biglang lumapit naman si Andrea dun sa lalaking walang modo sabay nagsalita, "Ikaw kuya, alam mo gwapo ka sana eh.. (Sabay lapit sa tenga) Kaso nga lang, bastos ka na nga! Wala ka pang modo!" Sabay tinuhod niya 'yung too-toot ni Kuyang walang modo.

Kaming tatlo sabay-sabay sabing..

"TAKBO!"

Hinihingal pa kaming tumigil sa may likod ng mga tindahan ng sapatos. Siguro naman 'di na nila kami makikita dito.

"Grabe ka sisteret! Ang ganda mo dun kanina ah! Infairness!" Sabi ni Melody sabay apir pa naming tatlo.

"Hahaha. Dapat lang sa kanya 'yun! Napakawalang modong tao!" Komento ko pa.

"Pero mga bessy, alam n'yo ang ga-gwapo nila 'no?" Biglang seryosong tanong ni Melody.

Gwapo? Oo, gwapo nga. Masama naman ugali.

"Hay nako bessy, hayaan mo na 'yung mga 'yun. Ang mahalaga ngayon, eh.. Mag ENJOY tayo!"

Ayun nga halos lahat ng rides nasakyan namin. Tapos nung nagutom kami ay kumain lang kami sa mcdo ng 2 sets of bff bundles. ('Yung Fries) Tapos pagkatapos nun ay napag disyonan namin na umuwi na..

Destiny (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon