Honeybabe's POV
"Wag ka nga dyan, bessy. Gumagawa ka ng chismis, ah." Sagot ko kay bessy. Paano pagkamalan daw bang new love team kami ni Whiskey? Aish.
"Oo nalang, bessy. Haha!" Sabi pa nya at bumalik na sa pag su-swimming.
Humarap na ulit ako kay Whiskey. Pag tingin ko sa kanya, may naaninag akong isang pamilyar na mukha sa likuran niya na papunta sa pwesto namin.
"Hi, guys." Bati niya sa'min pagkalapit nila ni Cyrus. Psh. At talagang nakasukbit pa sa braso ah?
"Anong ginagawa niyan dito, ha, Cyrus?" Masungit na tanong ni Andrea.
"Nagbabakasyon rin?" Sagot na patanong niya.
"Nah, what I mean is bakit yan nandito at kasama mo pa?" -Andrea
"Wala naman masama, 'di ba?" -Cyrus
"Pero--" Naputol sa pagsasalita si Andrea ng sumabat si Alex.
"Hayaan muna, Andrea. Basta wag lang siyang gagawa ng masama kasi kahit babae pa yan, 'di ko hahayaan na guluhin niya ang bakasyon natin dito." Seryosong sabi ni Alex.
"Chill lang, guys. I promise. Hindi ako gagawa ng hindi maganda. I just want to enjoy the vacation here. It's been a long time since we've been here." Sagot niya at may action pa habang sinasabi niya 'yan.
"Siguraduhin mo lang." Sabat naman ni Axl.
Nag nod nalang si Ariane at lumingon sa gawi ko. Oh, bakit parang nakakita siya ng multo? Nagulat ba siya sa bago kong itsura? Psh.
Hinubad na niya 'yung robe niya at nag smirk pa sa'kin bago lumusong sa pool. Si Cyrus naman naka topless at naka short lang. Ngayon magkakasama na kaming lahat sa pool except kay Yves at Melody. Nagluluto kasi sila ng BBQ.
"O, bakit natahimik ka diyan?" Biglang tanong sa'kin ni Whiskey. Napansin niya palang natahimik ako.
"Ahh. Wa-wala.. may isiisip lang ako." Pagsisinungaling ko.
"Ah, ganun ba? Tara ahon muna tayo. Nakakagutom lumangoy eh. Hehe." Sabi pa niya.
"Sus. Kunyari ka pa. Sige, tara na nga." Sagot ko sabay hila na sa kanya. Medyo gutom na rin ako eh. Haha. Ayun nga tumungo kami papunta kila Yves.
"May luto na ba? Nagugutom na ako eh." Sabi ko kila Yves at Melody pagkarating namin dito sa pwesto nila.
"Meron na dun sa table. Maluluto na rin 'to. Tawagin muna rin sila para sabay-sabay na tayong kumain." Sagot ni Yves.