Chapter 62

2.1K 52 32
                                    

Ariane's POV

"Pero may mahal na siyang iba! May bagong boyfriend na siya at nagmamahalan sila!" Sigaw ko sa kanya habang umiiyak.

"I know. But, I will do my very best to win her back to me. So, please, Ariane. 'Wag na nating ipilit ang hindi na talaga pwede. Masasaktan lamang tayong dalawa. Tanggapin nalang natin na hindi talaga tayo para sa isa't isa." Sabi niya na tuluyang nakapag padurog ng puso ko.

"Pero bakit? Bakit hindi mo ko kayang mahalin ulit?"

"Alam mo kung bakit? Simple lang.. kasi hanggang ngayon si HB lang ang laman nito. Sabay turo niya sa puso niya. Siya lang ang nakapag patibok nito ng walang dahilan. Siya lang ang hinahanap-hanap nito bawat oras, bawat minuto, at ultimo sigundo."

I wipe my tears and clear my throat. "Enough. Sapat na lahat ng narinig ko upang tuluyan ng limutin ang pag-ibig ko para sa'yo. but, can I have one favor?" I asked.

"Spill it." He answered.

"Pwede bang nasa tabi mo nalang ako palagi?"

"What do you mean?"

"Basta gusto ko nasa tabi mo lang ako palagi. Gusto ko lagi tayong magkasama." Sabi ko.

Hinawakan niya ang kamay ko at inilagay ito sa kanyang dibdib. "Salamat, Ariane. Salamat sa pag intindi. Alam kong may mabuti kang puso. Nabulag ka lang ng pagmamahal mo sa'kin kaya mo nagagawa ang mga bagay na nakakasakit sa ibang tao. Oo, I promise. Lagi ka lang sa tabi ko." He said.

Niyakap ko siya ng mahigpit. "Thank you. Thank you talaga." I whispered.

--

Cyrus' POV

Matapos ang usapan naming 'yun ay bumalik na rin kami sa kanila. Naabutan namin silang nag uusap-usap kaya dumiretso nalang kami ng upo.

Ano bang pinag-uusapan ng mga 'to at kailangan talagang nakapabilog ah?

"Anong meron diyan at naka ganyan kayo?" Iritado kong sabi sa kanila. Mukhang nagulat naman silang nandito na kami ni Ariane.

"Ha? A-ahh. Wala lang 'yun. Naglalaro lang kami ng bulong-bulongan. Hihi." -Alex at ngumiti pa ng parang tanga.

"Bulong-bulongan? Meron bang larong ganun?" Tanong ni Ariane.

"Oo naman! Di ba guys?" Sabi pa niya na mukha namang nagsisinungaling.

"Oo, tama!" Sabay-sabay nilang sagot.

Destiny (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon