Chapter 58

1.4K 52 33
                                    

Honeybabe's POV

"Paano ba 'yan, HB? Tao ang lumabas.. truth or consequence?"  Patay na nga, si Alex pa ang nag tanong sa akin.

"Ahm.. truth?" Shems! Ano kayang itatanong sa akin nitong mokong na 'to? Ayoko naman kasing mag consequence, eh. Baka ano pang ipagawa sa akin niyan.

"Isang tanong, isang sagot. Mahal mo pa ba si Cyrus?" Walang pakundagang tanong niya.

"Hindi na" Mahina pero matigas kong bigkas.

Natahimik kami saglit bago nag salita ulit si Alex.

"Okay, next ay si Whiskey." Sabi ni Alex sabay toss ng coin.

"Tao." -Whiskey

Pag buklat ni Alex tao rin ang lumabas. Ang next naman ay si Melody

"Tao rin." -Melody

Ang lumabas? Ibon! Haha.

"Truth ako. Mamaya ano pang ipagawa niyo sa akin eh." Sagot pa ni Bessy. Haha.

"Okay, ako magtatanong sa kanya. Hmm.. kung manliligaw sayo si Yves. Gaano kalaki ang chance na sagutin mo siya?" -Cyrus

Nakita kong nagulat si Bessy sa tanong sa kanya ni Cyrus. Actually, kaming lahat. Haha.

"A-ahh. E-hh. 0.1%?" Sagot ni Bessy dahilan para mapatawa kaming lahat.

"Haha. Grabe ka naman, bessy! 0.1% talaga? Di mo man lang ginawang 1%! Hahaha!" -Andrea

"P're, 'di ata tinatablan ng ka-gwapuhan mo 'yang si Melody. Haha." Pang-aasar pa nitong si Mark sabay tungga ng alak.

"As if namang liligawan ko 'yan. Mag-aalaga nalang ako ng mga bata sa bahay ampunan." Pag depensa ni Yves.

"Haha. Oh, next naman si Pinuno." Sabi ni Alex sabay toss ng coin.

"Ibon." -Cyrus

"Tao!" Sigaw ni Alex pagbukas niya ng kamay niya.

"Truth or consequence?" Tanong pa ni Alex.

"Consequence." Sagot niya habang nakatayo sa harap namin.

"Mark, ikaw na mag utos dito kay pinuno." -Alex

"Sige. Hmm. Ano bang magandang iutos? Ahm. Tama! Ganto.. nandito ang dalawa mong ex na sina Ariane at HB. Ngayon, ang gagawin mo ay hahalikan mo ang mas naging mahalaga sayo at mas minahal mo ng totoo." Ano daw? Hahalikan niya ang mas naging mahalaga at minahal niya ng totoo saming dalawa?

Destiny (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon