Chapter 44

1.9K 62 18
                                    

Cyrus POV

Nandito na ako ngayon sa harap ng bahay nila babe. Hinihintay siyang lumabas. Tinext ko kasi siya kaninang umaga na susunduin ko siya ng 1PM.

Kung nagtataka kayo kung bakit ko siya susunduin ay ganito ang nangyari kahapon.

Flashback..

Pagkatapos ko maihatid si babe sa kanila ay dumiretso ako dito sa tambayan namin ng The 5Heirs. Niyaya ko silang mag inum tutal wala namang pasok ngayon eh. Nakaka-miss din yung mga ugok na yun kahit ganun yung mga yun--eh ganun na talaga yun. Hahaha.

"Anong ka-drama-han na naman ang meron ka, pinuno?" Salubong sakin ni Mark.

"Gago! Na-miss ko lang kayo." Sagot ko.

"Talaga, pinuno? Na-miss din kita. Uwaaaah!" Sigaw ni Yves at akmang yayakapin sana ako pero napigilan ko.

"Tigil tigilang mo ko sa ka-baklaan mo, Melad." Sabi ko at umupo na sa couch.

"Bakit mo nga ba kami pinapunta dito?" Tanong sakin ni Axl na katabi ko.

"Kakasabi ko nga lang, diba? Na-miss ko nga kayo. Kasi napag-isip isip ko lately hindi na tayo nagkakasama sama. Kaya eto nag set ako para makapag bonding naman tayo. Don't worry my treat." Sagot ko.

"I'm so touch, pinuno. I love you na talaga." Sabi ni Alex at umarte pa na parang nababading.

"Fvck you, too Goya!" Sigaw ko.

Nakaka-miss yung ganto, pagkasama ko kasi ang barkada ko bumabalik ako sa dating ako. Yung taong normal na ang mag mura.. Ganun.

"Eh kung ganun naman pala, simulan na ang inuman!" Sigaw naman ni Yves.

"Sige, kunin niyo lahat ng stock natin diyan'g alak. Ako ng bahalang mag palit ng lahat ng yan." Sagot ko.

Ayun nga nag umpisa na kaming mag inuman.

"Bro, kamusta naman si HB ngayon?" Tanong sakin ni Axl.

"Ahh. Ayun syempre malungkot sa pagkawala ng papa niya. Pero ngayon medyo ayos na naman siya. Natanggap narin niya." Sagot ko.

"Nakakalungkot din yung nangyari sa kanya eh 'no? Ako pag nangyari sakin yun, eh gwapo parin ako." Sabat ni Mark.

=_=

"Yan ka na naman sa kahanginan mo, Mark." -Alex

Destiny (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon