Chapter 23

2.4K 79 22
                                    

Honeybabe POV

Nagising ako dahil sa yugyog. Pag tingin ko si Bessy pala. Teka bakit nandito si Bessy? At anong oras naba? Shems. 4PM na din pala. Nakatulog pala ako kakaisip kanina.

"Hello bessy? Andito po kaya ako." Sabi ni Bessy.

"Oh bakit kaba kasi nandito? Natutulog yung tao eh." Pagmamaktol ko.

"Eh kasi alam mo bessy, kanina habang nagmumokmok ako sa kwarto ko. May biglang tumawag na unregistered number. Syempre na-curious ako kaya sinagot ko. And guess what bessy? Si Alex lang naman! Like errrrrr talaga. At isa pa bessy, he's asking me for a date. I'm so kinikilig talaga besssssssssy!" Kaya naman pala nagkaka ganto 'tong isang ito eh. So, eto pala yung plinano nila Cyrus. Mukhang successful naman. Hindi talaga ako nagkamali ng nilapitan.

"Oh ayan ha. Pagbutihan muna yan. Wag kang magpaganda ng husto. Mas maganda padin ang simple bessy." Sabi ko.

"Oo bessy, one week kaming mag de-date. Hindi ko nga din alam kung pano nangyari 'to eh. Pero masaya ako bessy, sobrang saya." Sabi pa nya. Aba, dapat lang syang maging masaya. Ako kaya may pakana nyan. Hahaha.

"Masaya ako para sayo bessy." Sabi ko sabay yakap ko sa kanya.

"Thank you talaga bessy." Niyakap din naman nya ako pabalik.

--

Alex John POV

Nandito ako ngayun sa kwarto ko. Nag iisip kung san ko dadalhin si Sarah bukas. Oo mag de-date kami ni Sarah at di lang isang araw. Isang linggo. Well, gusto ko din naman yun. Ayoko lang talaga yung ginawa ng dalawa kong magaling na kaybigan.

Flashback..

Nandito nako ngayun sa bar namin. Mag-iinum ako kahit tanghaling tapat palang. Bwisit na Sarah yun. Pagkatapos akong halikan eh sasabihin nyang hindi nya ko gusto? Damn her!

Nagpakuha nalang ako ng hard drinks sa barterder at uminom dito sa VIP Area. Ayoko kasi muna ng kausap.

Kakasabi ko lang ng ayaw ko ng kausap eh. Bigla namang dumating 'tong sila Pinuno kasama pa si Axl.

"Ang aga-aga nagsusunog ka ng baga. Tch." Cyrus sabay upo sa couch. Umupo nadin si Axl.

"Anong ginagawa nyo ditong dalawa?" Tanong ko.

"May kaylangan lang kami sayo." Axl sabay ngiti ng nakakaloko. Tss. Alam ko na yang ngiting yan.

"Spill it." Sagot ko nalang.

"Kilala mo naman si Cassa--"

Destiny (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon