Honeybabe POV
Hindi ko alam kung anong ire-react ko sa nakikita ko ngayon.
Totoo bang nandito siya ngayon sa harap ko? Pero bakit siya nandito. Diba masaya na siya dun sa kabit niya? Para san pa't bumalik pa siya? Para ano? Para guluhin nanaman kami?
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko.
"Anak nandito ako para kamustahin ka. Kayo ng kuya mo at ng mama mo." Sagot niya.
"Okay lang kami. Pwede ka ng umalis." Cold 'kong sagot.
"Anak naman."
"Wag mo 'kong tawaging anak. Dahil simula ng iniwan mo kami, wala ng 'kong itinuring na tatay." Matigas 'kong sabi. Pero sa loob-loob ko gustong gusto ko siyang yakapin.
I missed him. Yeah. I really miss him. Ang tagal 'kong nangulila para sa isang ama. Pero hindi pa siguro panahon para mapatawad ko siya.
"Alam 'kong malaki ang galit mo sakin anak. Pero sana mapatawad moko. Tumigil siya saglit bago nagsalita ulit. Aalis nako pero pwede ko bang mayakap muna ang prinsesa ko?"
Hindi ko alam. Pero nung narinig 'kong tinawag niya akong prinsesa parang may kung anong biglang kumirot sa puso ko.
Hindi na ako naka sagot kaya naman mabilis siyang lumapit sakin at niyakap ako.
"Hindi mo alam kung gaan ako nagsisisi sa pag iwan ko sainyo. Walang araw na lumipas na hindi ko kayo naiisip lalo kana. My little princess." Sabi niya habang nakayakap parin sakin.
Wala na. Hindi kona napigilang mapaiyak.
Bogssh!
"Ang kapal din ng mukha mong magpakita pa dito. Matapos ng ginawa mo samin, ha?" Galit na galit na sabi ni Kuya.
Tumayo naman si Papa at pinunasan ang nagdudugo niyang labi. Yung itsura niya parang namumulta siya na ewan. May sakit ba siya?
"Harris, anak. Ikaw naba yan?" Tanong ni Papa pagkatayo niya.
"Oo ako na nga 'to at heto kami ang mga iniwan mong anak!" Sigaw ni Kuya.
"Patawarin niyo ko mga anak. Nagsisisi na ako na iniwan ko kayo. Sana mapatawad niyo ko. Sana hindi pa huli ang lahat." Sagot ni papa na umiiyak na.
Susugurin pa sana ni Kuya si Papa pero pinigilan kona.
"Kuya, tama na. Awat ko sabay tingin kay papa. Umalis kana, please."