Honeybabe's POV
Pagtunghay ko hindi ako makapaniwalang nasa harap ko na siya. Ang dahilan kung bakit ako umiiyak ngayon. Agad akong tumayo at niyakap siya.
"Akala ko iniwan muna talaga ako. Nakakainis ka talaga!" Sabi ko habang umiiyak sabay palo sa dibdib niya.
"Shhhh. Tahan na. Ayos ba 'yung sinabi sayo ni Axl?" Tanong niya.
Ibigsabihin..
"Pakana mo lang lahat ng 'yun!?" 'Di makiapaniwalang tanong ko.
Nag nod naman siya tanda ng pag-oo niya. Tumalikod ako para umalis na. Hanggang ngayon ba naman pinagti-tripan parin niya ako? Psh.
Pero hindi pa man ako nakakalayo ay naramdaman ko ng may yumakap sa'kin galing sa likuran ko.
"Wag ka ng magalit sa'kin. Ginawa ko lang naman 'yun para malaman ko kung mahal mo pa talaga ako eh. So ayun nga nalaman kong mahal mo pa nga ako, Babe." Bulong niya sa'kin.
Pagkarinig ko nung tinawag niya akong "Babe" ay agad nagtaasan ang balahibo ko. Nakakamiss din palang tawagin niya ako sa tawagan namin.
Tinanggal ko ang kamay niya sa waist ko tsaka humarap sa kanya.
"Wag mo ng uulit 'yun, ha?" Sabi ko.
Nakita ko naman ang ngiti sa mga labi niya.
"So bati na tayo?" Tanong niya.
"Ay hindi pa. Joke lang 'to. Sige aali--"
*Tsup!
Hindi na niya ko pinatapos mag salita at mabilis akong hinalikan.
"I love you." Mahina niyang bigkas between our kiss.
"I love you too." Sagot ko sabay yakap pa sa kanya.
Na-miss ko siyang yakapin eh. Haha!
"Tara na baka wala na tayong maabuyan sa reception." Pag-aya niya.
Nag nod nalang ako at hinawakan ang kamay niya. Sabay kaming naglakad papuntang kotse niya at sumakay.
--
Reception..
Masaya ang lahat sa kakatapos lang na kasal nina Kuya at Ate Czarina. Nandito na kami sa isang resort kung saan ginaganap ang reception ng kasal nila.