Chapter 43

1.8K 52 15
                                    

Honeybabe POV

Pagkatapos ng dramahan namin ay napag desisyonan namin na mag stay pa dito sa sementeryo tutal may mga pagkain naman kami. Eh Mag piknik nalang kami. Haha.

"Babe, may ike-kwento ako sayo. Gusto ko pagkatapos kong mag kwento ay magbibigay ka ng kumento or kung ano ba ang dapat kong gawin." Sabi ko sabay subo ng ubas.

"Hmm. Sige, babe. Ano ba yung ike-kwento mo at talagang kailangan pa ng kumento ko?" Pagtatanong niya.

Oo nga pala, nakahiga ako sa lap niya.

"Eto ikwe-kwento ko na nga, eh. Sabi ko sabay inayos ang sarili ko. Ngayon magkaharap na kami. Tungkol sa papa ko ang ike-kwento ko. Nung bata palang ako ay sobrang close ko kay Papa. Yung tipong parang ayaw mo ng humiwalay sa kanya kasi sobrang saya mo pagkasama mo siya, ganun ang nararamdaman ko nung mga panahong yun. Pero nagbago ang lahat ng mahuli ni mama si papa na may ibang babae and worst bestfriend pa ni mama. Tumigil muna ako saglit upang tignan ang reaction niya pero nakatingin lang ito sakin na parang hinihintay ang kasunod ng kwento ko. Ayun nga, pagkatapos ng pangyayaring yun ay nag desisyon si papa na sumama dun sa bestfriend ni mama na kabet niya. Nung araw ng simulang iwan kami ni papa ay labis akong nasaktan kasi 'di lang ako nawalan ng papa eh-- nawalan din ako ng bestfriend." Pagpapatuloy ko.

Ramdam kong nangingilid na ang luha sa mga mata ko. Pero pinipilit kong wag itong tumulo. Ayoko kasing maging garalgal ang boses ko.

"Lumipas ang maraming taon na hindi siya nagparamdam o nagpakita man lang samin. Hindi na nga namin alam kung anong nangyari sa kanya, eh. Namuhay kaming isang kahig isang tuka. Nabuhay naman kaming masaya kahit wala siya. Nakaya naming mabuhay kahit wala kaming haligi ng tahanan. Pero nitong nakaraang mga araw ay muli siyang nagpakita samin ni Kuya. At sa itsura niya ay mukha siyang may sakit. Hindi namin alam kung bakit siya nagpakita samin. Ang sabi niya lang ay gusto niya lang kaming kamustahin. Pero iba ang nararamdaman ko, eh. May iba akong nase-sense kung bakit siya nagbalik. Hindi ko lang ma-pin-point kung ano yun. Pero malakas ang kutob ko na--"

Naputol ako sa pagsasalita ng biglang nag ring ang cellphone ko. Pagtingin ko si Mama pala.

"Oh 'Ma, napatawag ka?" Bungad ko.

Pero walang nagsalita sa kabilang linya.

"Ma? May proble--"

"Ang papa mo."

Dug, dug

Dug, dug..

Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kaba ng marinig ko ang salitang 'Papa'

"Anong meron sa kanya?" Cold kong tanong.

"Malapit na siyang mamatay, anak." Sagot ni Mama.

Destiny (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon