Honeybabe's POV
"Mag re-revenge ka?!" Sabay-sabay nilang sigaw.
"Paulit ulit tayo dito? Kakasabi ko lang 'di ba?" Pang-babara ko sa kanila.
"Pero paano mo yun gagawin?" Tanong sakin ni Sarah.
"Basta, pero kasama kayo dun. Kaya mag bihis na kayo dahil mag ba-bar tayo ngayon." Sagot ko.
"Mag ba-bar? Pero alas dos palang ng hapon ah? Tsaka pwede na ba tayong mag bar?" -Melody
"Oo naman, graduate na kaya tayo. Wag na nga kayong magreklamo diyan, bilisan niyo nalang."
Hindi na naman sila sumagot kasi pinagtutulak ko na sila papunta sa kwarto ni Andrea para magbihis.
--
Bar..
"Bessy, ang aga pa para mag-inom tayo." Sabi ni Melody pagkarating namin dito sa bar.
"Wag ka ngang KJ diyan, bessy. Nandito na tayo eh. Tsaka konti lang naman ang iinumin natin kaya wag ka ng mag-alala diyan." Sagot ko sabay upo sa bar counter.
"Isang bote nga po ng Margarita." Sabi ko sa bartender.
Bakit ko alam 'tong alak na 'to? Simple lang, sinearch ko kanina sa google. Haha!
Inabot naman samin ang isang bote ng Margarita. "Umupo na kayo dali. Inumin na natin 'to. Wag kayong mag-alala, hindi pangit ang lasa nito. May flavor 'to." Sabi ko sa kanila upang hindi na sila mag reklamo pa.
Umupo narin naman sila.
"O, tikman mo bessy." Sabay abot ko ng shot glass kay Andrea.
Tinignan niya muna yung shot glass at inamoy bago ito ininom.
"How is it?" Tanong nung dalawa kay Andrea.
"Not bad." Tipid na sagot ni Andrea.
Tinry rin nila Melody at Sarah at mukhang na gustuhan din nila.
"Masarap nga, bessy. Mukhang hindi pa nakakalasing." Kumento pa ni Melody.
"Sabi ko naman sainyo eh." Sabi ko sa kanila at pinagpatuloy na namin ang pag-iinom.
Nung mga nasa kalahati na yung laman ng bote ay may biglang lumapit saming mga lalaki.