Axl Reid POV
Nandito nako ngayun sa may garden ng school. Hinihintay ko nalang syang dumating. Nag ayos pako dito para lang hindi ako mahalata ni Cyrus. Oo tama kayo. Tanggap ko ng talo ako sa pustahan namin ni Cyrus. Pero na sakin ang huling halakhak. Hahaha.
Gusto nyong malaman kung bakit ako nag conclude? Simple, kasi inamin na sakin ni Cyrus na mahal na nya si HB. Di ba sinabi kong suko nako sa panliligaw? Pero hindi ibigsabihin nun ay talo na ako.
Para malinaw ganto..
Ang pustahan namin ni Cyrus ay kung sino ang sagutin ni HB sya ang panalo. Osige nandun na tayo sa siya na ang sasagutin. Pero di ba kasama sa BET namin ang BAWAL ma-in-love?
So, what does it mean? Can you figure it out? Haha. Poor Cyrus. Tch.
A/N: Yan ang 1st twist. At pag may 1st. May 2nd syempre. Haha..
--
Honeybabe POV
Nandito nako ngayun sa tapat ng salamin. Ready nakong pumuntang school. Siguro tama nadin nangyari 'to. Para hindi na tumagal pa ang paghihirap nila. Baka kasi pag tumagal pa 'to mas lalo lang kaming mahirapan pare-pareho.
Ayun nga lumabas nako ng bahay at dali-daling sumakay ng tricycle. May 10 minutes na byahe pag tricycle ang sinakyan mo. Pag tingin ko sa wrist watch ko 5:55PM na pala.
Nung makating ako ng school 6:05PM na. Shems! Dali-dali akong pumasok ng school at tumungo ng garden.
Pagdating ko dun nakita ko si Axl na nakatayo at yung lugar mukhang pinaghandaan talaga.
"So, ako ang pinili mo?" Bungad nya sakin.
"Axl, unang una nagpapasalamat ako sayo. Kasi naging mabait ka sakin nung una palang. Di ko alam kung anong nakita mo sakin at nagustuhan moko. Pero magiging unfair naman ako sayo kung sasabihin kong ikaw ang pinili ko kahit si Cyus naman talaga ang mahal ko diba?" Wala na hindi kona napigilan at naiyak nako.
Niyakap naman nya ko.
"Shhhh. Wag ka ng umiyak. Alam ko naman at nararamdaman ko. Nung una palang alam kong talo nako. Kaya nga pinilit kong umiwas hangga't maaari. Kasi alam ko bandang huli ako at ako parin ang masasaktan." -Axl.
Kumawala nako sa yakap.
"Thank you Axl." Yan nalang nasagot ko.
"Puntahan muna sya." Shems! Oo nga pala si Cyrus!
Napatingin ako sa orasan. Shet. 6:50PM na? Ganun naba kami katagal nag-usap ni Axl? Sana maabutan kopa sya.