Chapter 57

1.4K 43 17
                                    

Cyrus' POV

"Ahh. Minahal mo talaga siya ng husto. Kaya lang nasayang lang ang lahat dahil sa isang kasinungalingan." Sabi niya sabay alo sa likod ko.

"Teka, kasinungalingan? Paano mo nalaman 'yun? 'Di ba wala kang kinalaman dun sa nangyari?" Tanong ko sa kanya.

Nakita ko siyang parang hindi mapakali. "Ha? E-eh.. ano kasi.. hmm. Ano na-kwento lang sa akin ng friend ko." Sagot niya.

"Sinong friend naman 'yun?"

"A-ah. Hindi mo kilala 'yun.. tara na nga punta na tayo sakanila. Nagugutom na rin ako eh." Sabi niya sabay lumakad na. Sinundan ko naman siya.

"O, ayan na pala sila eh. Tara Cyrus sumabay na kayo sa amin!" Sigaw sa amin ni Sarah.

"Hmm. Sige." Sagot ko at umupo na kami ni Ariane.

"Ahh. Baby, tikman mo 'to masarap 'to." Napatingin kaming lahat dun sa nag salita. Ano daw? Baby? Tapos susubuan pa niya si HB ng pagkain?

"A-ahh. Sige, Honey bunch." Sagot naman niya na parang naiilang sabay subo ng kutsara.

Honey bunch?

"Anong ibigsabihin nito, Bessy?" Tanong ni Sarah kay HB.

"Ha? Ang alin 'yun, Bessy?"

"Yung kayo, ikaw tsaka si Whiskey.. Baby? Honey bunch?" -Sarah

"Ahh 'yun ba? Kami na kasi ni Whiskey. Hindi ko pala nasabi sa inyo na nililigawan niya ako. Eh, gumawa siya ng isang napaka TOTOONG romantic na bagay kaya sinagot ko na siya." Paliwanag niya.

So, sila na pala. Ang bilis ah. Psh.

"Parang ang bilis naman Bessy? Di ba kakakilala niyo lang?" Sabat naman ni Andrea.

"Oo nga, Bessy. Kaka-break niyo lang ni... ops!" Sabi ni Melody sabay nag takip ng bibig.

"Alam niyo, bessy. Ang RELASYON ang pinapatagal hindi ang pangliligaw. Tsaka mabait naman si Whiskey, malambing, gwapo, at TOTOONG tao." Sagot niya.

"May pinapatamaan ka ba HB?" Seryosong tanong ni Ariane kay HB.

"May tinatamaan ba?" Sagot niya pabalik.

"Oy, tama na 'yan. Baka saan pa mapunta 'yang usapan na yan. Kumain nalang tayo." -Alex

Wala na namang nag salita pa at pinagpatuloy nalang namin ang pagkain.

Destiny (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon