Cyrus POV
"Ate, umuwi ka na dun sa bahay niyo ni Kuya Marqus. Sa bahay na'ko uuwi. Nandyan naman ang mga katulong natin para alagaan ako, eh." Sabi ko kay Ate.
Nandito na kami sa kotse, ngayon na kasi ang labas ko. Pero 1 week pa daw ako magpapahinga sabi ng doctor.
"O, sige. Pero yung binilin ko sayo, ha. Wag matigas ang ulo, Zeke." -Ate.
.
"Opo, Ate."
Pinagbawalan niya kasi akong lumabas muna dahil alam niyang pupuntahan ko si Ceejay.
"O, pano dito na kami ha. Pagaling ka, Zeke." Sabi sakin ni Kuya Marqus sabay tapik sa balikat ko.
"Opo, Kuya. Sige po ingat kayo ni Ate sa pag-uwi." Sagot ko.
Hindi na rin naman sumagot si Kuya at pinaandar na niya ang kotse. Pumasok na ako sa mansion. Pag pasok ko sinalubog agad ako ng mga katulong namin.
"Sir, welcome back po." Sabi sakin ni butler sabay kuha ng mga gamit ko.
"Salamat. Pakisabi kay Manang dalhan ako ng makakain sa kwarto ko." Sagot ko sabay akyat na sa kwarto ko.
Pagpasok ko sa kwarto nahiga na'ko agad. Na-miss ko rin 'tong kwarto ko eh.
Oo nga pala, ite-text ko sila Axl. Ano kayang nangyari sa inuman nila kahapon? Hmm.
To: Axl
"Brad, anong nangyari sa inuman niyo kahapon?"
Sent√
Maya-maya lang nag vibrate na ang cp ko.
From: Axl
"Wala naman gaanong nangyari. Kwentuhan lang kami ng kung anu-ano. Sinabi na niya rin samin na naka-move-on na daw siya sayo."
-End
Naka move-on na siya sakin ng ganun kadali? Wow, just wow!
Hindi na'ko nag reply at nag bihis nalang. Maya-maya lang dumating narin si Manang dala-dala ang tray ng pagkain.
"Hijo, eto na ang pagkain mo. Niluto ko ang paborito mong ulam. Tinolang manok." Sabi ni Manang sabay lagay ng tray sa gilid ng kama ko.
"Salamat po, Manang." Sagot ko.
Umalis na rin naman si Manang. Simula kasi ng natikman ko yung niluto kong tinolang manok ay palagi ko ng pinapaluto ito kay Manang.