Chapter 9

2.7K 98 22
                                    

Honeybabe's POV

Haaaalaa!!! Ano ba 'tong napasukan kong gulo? Di ko rin maintindihan 'tong sarili ko eh. Ba't ba ako pumayag  sa BET na 'yun? Kasi naman nung makita ko 'yung mukha nung Cyrus na 'yun maaawa ka talga eh. Para kasing pinagbagsakan ng langit at lupa.

Hay nakoo! Yaan na nga nandyan na eh. Ano pa bang magagawa ko? Basta  sisiguraduhin kong sa huli ako pa rin  ang mananalo!! (Evil Laugh)

Nandito na pala kami sa kanya-kanya naming bus. Habang hinihintay namin 'yung ibang studyante bigla nalang may tumabi sa'king lalaki. At nagulat ako kung sino. Si Fake Boyfriend ko lang naman.

"Hi, kitty!" - Cyrus sabay wink sa'kin. Teka bakit kitty tawag sa'kin nito? Alam ko mahilig ako sa hello kitty pero bakit ayun tawag niya sa'kin?

 "Ahh hello? Ba't dito ka umupo? Tsaka ba't kitty tawag mo sa'kin aber?" Tanong ko sa kanya.

"Bakit may problema bang tawagin kong kitty ang girlfriiend ko?"  Sagot niya at nag smirk pa ang loko.

 "Aahh. O-oo nga pala. Pasensya naman pero bakit Kitty?" Nauutal ko pang sabi.

"Aahh 'yun ba? Napansin ko kasi na palagi mong suot 'yang headband mong hello kitty, naisip kong baka favorite mo 'yan kaya ayun nalang tatawag ko sayo. Okay lang naman 'di ba?" -Siya

"Oo favorite ko nga 'yun. Osige. eh ano namang tatawag ko sayo?"

"hmmm. Tutal mahilig din ako sa pusa  doraemon nalang tawag mo sa'kin." Sagot niya.

Talaga? 'Tong mokong na 'to mahilig sa  isang pusa?  Hahaha!

"Pfft! Haha! O, sige Doraemon.."

Ayun nga dumating na 'yung ibang estudyante at parang 'di mapakali 'tong katabi ko. Hmm weird.

Kaya naman pala parang namutla 'tong katabi ko eh sa harap ba naman umupo 'tong sila Ariane at si Ceejay. Teka nga. Sila na ba? Kaya naman pala nagka  ganto 'tong isang 'to ehh. Matanong  nga 'tong katabi ko.

"Psst! Sila na ba ni Ceejay? Kaya ka nag kakaganyan?" Usisa ko sa kanya.

"Oo, sila na nga." Nakasimangot niyang sabi.

"Ahh. okay" Di na 'ko nag usisa kasi mukhang ayaw niyang pag usapan pa.

Natulog nalang ako buong byahe. Mga siguro 2 hours na byahe ay nakadating na kami sa tanay rizal.

Naramdaman ko ginigising ako ng katabi ko.

"Kitty, babe nandito na po tayo." Saad niya sabay kiss sa  noo ko. Nagulat naman ako sa ginawa niya. Sabay bulong niya sa'kin. "Naka tingin siya, wwag mo 'ko ipahiya."

Natigilan naman ako at napatingin sa harap namin. Nakatingin nga siya sa'kin. Kaya naman..

"Ang sweet naman ng doraemon ko. Pa-kiss nga?" Sabay ngiti ng nakakaloko.

"Talaga ikaw kitty, tara na baba na tayo?" Pag-aaya niya sa'kin. Agad ko naman kinuha 'yung kamay niya at nagsimula na kaming bumaba. Nung napa tingin naman ako kay ariane ayun 'di maipinta 'yung mukha niya. Hahaha.

Ayun nga naglakad na kami papuntang  Daranak Falls siguro mga 15minutes din kami naglakad. Pagdating namin dun sinabihan muna kami na mag-ayos ng mga tent namin. At pag tapos daw namin ay pwede na daw kami maligo sa falls. Weeeeee!

Ayun nga natapos na kami mag-ayos ng tent. At pinayagan na kaming mag swimming. Yiiiiippieee!!

"Bessy! Ba't 'di mo na kami pinapansin ha? Nakakatampo ka na ah!" -Melody sabay pout.

"Oo nga bessy! Tapos ano 'tong nalalaman naming boyfriend mo na 'yung leader ng 5Heirs ha?" Saad naman nitong si Andrea. Talaga 'tong dalawa kong bff. Pero namiss ko 'tong dalawang 'to.

"Hay na 'ko kayo talagang dalawa, mamaya na tayo mag chikahan! Mag swimming na tayong tatlo! Tara daliiiiii!" - Pag-iiba ko ng usapan sabay hinila na silang dalawa pa puntang falls.

Nag swimming kaming lahat. Pero habang nagsasaya kami sa pag swimming biglang lumapit sa'min si Ariane.

"Ooh! Look who's here, The 3 ugly duckling na akala mo kung sinong mga birhen."  -Ariane na may mataray na boses.

"Wala kaming alam sa sinasabi mo Ariane. Kaya kung pwede umalis ka nalang?" Sabi ko.

"Ahh. Wala ba? Gusto mo ipaalala ko sa'yo?  Pinulot mo lang naman 'yung tinapon kong basura na. isn't amazing?" Sabi pa niya.

"Ohh? Anong problema dun? Tinapon mo na pala e.  Eh ba't parang sa  kinikilos mo ngayon parang affected ka sa'min? Isn't amazing, ha?" Sabi ko sarcastically.

"Ang kapal ng mukha mong sagot sagutin ako!" Siya at akmang sasampalin ako kaya napa pikit nalang ako hinihintay na may dumampi na kamay sa mukha ko. Pero ang tagal ko ng naka pikit ay wala namang dumamping kamay sa mukha ko. pag dilat ko nakita ko hawak-hawak ni Cyrus 'yung kamay ni Ariane.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo ha?" Sabi ni Cyrus.

Itutuloy..

Destiny (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon