Chapter 32

1.9K 68 18
                                    

Honeybabe's POV

Kinabukasan..

Nandito na kami ngayun ni Bessy sa kotse niya. Si Bessy daw muna kasabay kong pumasok kasi yung magaling kong boyfriend maaga daw tinawagan ng coach nila para mag practice.

Naiintindihan ko naman yun eh. Ang akin lang sana yung obligasyon niya bilang boyfriend ko ay maisabay niya sa pag babasketball niya.

Katulad nalang ng nangyari kanina. Sabi niya susunduin niya daw ako ng uwian namin. Pero pumuti na lahat ng uwak ni anino niya hindi ko nakita eh.

Flashback..

Halos dalawang oras din akong naghintay sa parking ng school bago ako makareceive ng text galing sa kanya at sabing..

"Babe, sorry hindi muna kita mahahatid ngayun. Puspusan na kasi ang training para sa laban next week. Kay Sarah ka nalang muna sumabay ha. Ge. I love you."

Yan ang sabi niya.

Kikiligin sana ako kung hindi niya ako pinaghintay dito ng halos dalawang oras eh. Tss.

"Okay. Salamat pinaghintay mo lang naman ako ng halos dalawang oras dito eh. Salamat talaga ha."

Sarcastic na reply ko sa kanya at agad kong pinatay ang cellphone ko. Ayoko muna siyang makausap.

Kaya eto no choice kung hindi umuwi mag-isa.

Pero pag minamalas ka nga naman oh. Nakasabay ko pa 'tong bruhang 'to. SIno pa ba? Aish.

"Oh it seems you're alone. Iniwan ka naba ng EX-boyfriend ko? Kawawa ka naman pala kung ganun. Hahaha." Sabi niya sabay tumawa ng parang wala ng bukas. Psh.

"Wala akong panahon makipag talo sayo, Ariane. Kaya pwede ba tantanan mo ko." Sabi ko. Wag niya akong maasar asara ngayung mainit ang ulo ko.

"Wala naman akong makialam kung ano man nararamdaman mo eh. Eto lang ang sasabihin ko sayo. Sabi niya sabay hawak sa braso ko dahilan para mapatigil ako sa paglalakad. Babawiin ko sayo si Zeke lalo na ngayung naayos ko na ang gusot sa pagitan ng mga pamilya namin." Sabi niya na may pagbabanta sa boses.

Anong sabi niya? Gusto sa pagitan ng pamilya nila ni Cyrus?

"Gawin mo ang gusto mong gawin. Hindi ako natatakot sayo. Lalo na ngayung alam ko at siguradong AKO na ang MAHAL niya at hindi na ikaw." In-emphasize ko talaga yung salitang "AKO" at "MAHAL" para dama niya. Hahaha.

"Wag kang pakasiguro, HB. Asawa nga naaagaw boyfriend pa kaya?" Makahulugang sabi niya at tumalikod na sakin.

Destiny (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon