Chapter 16

2.6K 85 20
                                    

Honeybabe's POV

Nagising ako ng maaga. Ayoko pumasok ngayon dahil masama pakiramdam ko. Makapag handa na nga lang mag jo-jogging nalang ako.

Pagkatapos kong mag-ayos bumaba na'ko, oo nga pala may aso akong si Fiffy. Regalo sakin ni Kuya nung birthday ko last year, ayun bali isasama ko nalang si fiffy para may kasama naman ako.

Pagbaba ko sinabi ko kila mama na mag jo-jogging muna ako kaya di na'ko makakasabay sa kanilang mag breakfast.

Paglabas ko ng gate namin nanlaki mata ko sa nakita ko. Anong ginagawa ng dalawang 'to dito?

"Hi Crush." Bati nitong si Axl sakin.

"Hi Panget, Goodmorning." Sabi naman nitong si Cyrus.

"Anong ginagawa n'yo ditong dalawa, aber?" Sabi ko nang nakapamaywang.

"Seriously, Panget? Wala ka talagang idea kung bakit kami nandito ngayon?" tanong nitong si Cyrus.

"Magtatanong ba ko kung alam ko? Psh." Sagot ko with a sarcastic tone.

"Siguro naman nabasa mo yung text ko 'di ba?" Sabi naman nitong si Axl. nag isip muna 'ko ng mga text. And D*MN! Bat di'ko naisip yun?

"A-hh, ehh 'di ba trip n'yo lang yun?" Sabi ko pa na nauutal-utal.

"No, I'm serious" Sabay pa nilang sabi. Di ko nalang sila pinansin at naglakad na'ko para mag jogging.

Naramdaman ko naman na sumusunod yung dalawa pero hinayaan ko nalang. Ayoko  masira ang umaga ko. Ayun nga nag jogging nalang ako para makapag exercise na din.

--

After an hour..

Natapos din akong mag jogging at naupo na'ko sa isang bench dito sa park. Ramdam ko ang pawis ko sa buong katawan ko.

.

Naalala ko yung dalawa kong asungot. Nasan na kaya yun? Kanina kasi habang tumatakbo ako sinasabayan ako nung dalawa pero bigla nalang silang nawala nung andito na'ko sa park. Bakit ko ba iniisip yung dalawang yun. Tch.

Oo nga pala kasama ko si Fiffy. Malaro na nga lang 'tong si Fiffy. Habang nilalaro ko si Fiffy bigla nalang nagtata-tahol 'tong si Fiffy kaya napatingin ako sa direksyon ng tinatahulan nito.

Pag tunghay ko. Nagulat ako may dalawang kamay ang nakabalandra sa mukha ko. Sino pa ba? Yung dalawa kong manliligaw kunno.

A/N: Gustong-gusto mo namang nililigawan ka? Haha! XD

Ayun nga nakatingin lang ako sa kamay nilang dalawa. Yung kamay ni Axl may nakalagay na towel. Yung kay Cyrus naman bottled water.

Destiny (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon