Honeybabe POV
"Kiss mo mukha mo!" Sagot ko sa kanya.
"Pero babe, diba o--"
Hindi ko na siya pinatapos at mabilis ko siyang sinunggaban ng halik.
"Oww..." Sigaw ng mga nanunuod samin.
"Sa susunod wag ka ng magtatanung. Halikan mo nalang ako agad. Yan tuloy naunahan pa kita. Aish." Sabi ko pagkatapos ko siyang halikan.
"Nagiging pilya kana babe, ha." Pang aasar niya sakin.
"Mana lang ako sayo, pilyo kong boyfriend." Sagot ko.
Teka, teka. Nag blush siya? Hang cuuuute! Haha.
"Psh. Ewan sayo. Tara kain nalang tayo. Hayaan na natin sila dito. Masyado na silang naiinggit satin. Haha."
"Oo nga 'no? Haha. Tara libre ko." Sagot ko.
"Sigurado ka?" Tanong niya.
"Yup! Tara dali!"
Hinila ko na siya. Dadalhin ko siya sa paborito naming kinakainan ni bessy Sarah. Haha.
"Babe, bakit naglalakad tayo? May sasakyan naman ako, ah?"
"Hindi na kailangan yun, babe. Malapit lang naman yun dito eh." Sagot ko.
Hindi na naman siya sumagot at sumunod nalang sakin.
"Nandito na tayo." Sabi ko.
"Aling Lagring kwek-kwekan?" Tanong niya.
"Yup! Masarap ang kwek-kwek dito, babe." Sagot ko.
"Eh bakit dito tayo kakain? Dun nalang tayo-- Ohoy!"
Hinila ko na siya papasok. Haha.
"Aling lagring dalawa nga pong kwek-kwek for dine-in." Sabi ko kay Aling Lagring pagkaupo namin ni babe.
"Ano yung kakainin natin, babe? Kwak-kwak? As in doctor kwak-kwak?"
=_=
"Kwek-kwek, babe. Hindi kwak-kwak." Sagot ko.
"Ah. Linawin mo kasi. Pero ano ba--"