Honeybabe POV
"MAGKAKASAMA KAMI SA IISANG ROOM?!"Sigaw ko.
Paano ba naman, parang pakiramdam ko pinagsasama talaga nila kaming dalawa. Tss.
"Bakit? Wag mong sabihing affected ka pa rin sa break-up niyo? Akala ko ba naka move-on ka na?" -Mark then he smirked.
Tinignan ko lang siya ng masama at umupo na. Sa bwisit ko pinagtutusok ko ng padabog yung kinakain kong spaghetti.
"Bessy, kawawa naman yung spaghetti. Parang minurder mo na oh." Sabi pa nitong si Andrea sakin.
Isa ka pang bruha ka! Brr.
Sa inis ko tumayo na ako. "Pasok na ako ng room ko. Excuse me." Sabi ko sa kanila at naglakad na ako.
Pero hindi pa man ako nakakalayo nang ma-realized kong hindi ko pala alam ang papunta ng room ko. Shete naman oh! Tss.
--
Note: Eto na yung side ni Cyrus. Daming excited eh. Haha.
Cyrus POV
Hindi ko alam kung matatawa ako o hindi. Napaka epic kasi ng mukha niya. Haha!
Pero napansin ko lang, kanina nung unang nakita ko siya ULIT nagulat talaga ako sa itsura niya. Halos hindi ko siya nakilala sa itsura niya ngayon. Yung dating napakaamo niyang mukha naging mukhang mataray na. Pati yung pananamit niya nag-iba na rin. Naging parang supistikada na masyado. Tama nga si Axl, hindi ko magugustuhan ang itsura niya ngayon.
"Ang epic talaga nun ni HB! Halata namang apektado pa rin siya kay Pinuno, nagpapanggap pa. Haha!" -Yves
"Oo nga, haha." -Alex
"Ikaw pinuno, apek--"
Naputol sa pagsasalita si Mark kasi biglang bumalik si HB.
"San ang papunta sa room number 08?" Tanong niya.
Room number 08? Wow, talagang monthsary pa namin ah. Tadhana talaga oh. Ang galing maglaro. Tsk.
"Mag wa-walk-out, walk-out hindi naman pala kayang panindigan. Psh." Mahinang sabi ni Alex.
"May sinasabi ka Alex?" Mataray na tanong niya habang nakapamaywang.
"Ah. Wala ah. Sabi ko si Pinuno na ang maghahatid sayo sa room mo. Tutal magkaroom mate naman kayo. Opss. Wag ka ng magreklamo, gusto mong ikaw mag-isa maghanap ng room mo?" -Alex