Chapter 30

2K 80 23
                                    

Honeybabe POV

Kanina pa ako nandito sa kwarto ko at kanina ko padin tinatawagan yung mokong na si Cyrus. Hindi kasi ako mapakali hangga't alam kong may tampuhan kami.

Nakaka ilang tawag nako sa kanya pero di padin niya sinasagot. Last na talaga 'to pag hindi pa niya sinagot bahala na siya sa buhay niya.

Calling Babe Ko ♥ ..

Ayan buti sinagot niya. Pero di naman nagsasalita.

"Babe, nasan ka? Kanina pa ko tumatawag sayo ah. Galit kapa din ba sakin?" Tanung ko sa kanya.

"...." Sa kabilang linya.

"Babe, sumagot ka na--"

"Nanditooooo shami sha ba-aar nila *Hik Mark. Pun-tsahaan moko. *Hik"

"Teka nga, lasing ka ba? Tanghaling tanghaling tapat nag iinum kana aga--"

Toot-toot.

Okay binabaan ako. Lintik na lalaking yun. Lagot talaga sakin yun. Aish.

Nag ayos muna ako ng sarili bago pumunta dun sa bar nila Mark. Malapit lapit lang naman yun samin. Beside Palmes Academy lang yun. Ewan ko nga kung bakit pinayagan yun na dun itayo eh. Kalapit talaga ng school? Ay ewan.

Pagbaba ko ng tricycle agad akong tumungo sa nasabing bar. Pagpasok ko hinanap ko agad siya. And there! I think he's drunk. Kasama pa yung dalawa niyang barkadang sila Mark at Alex.

"Oh buti nandito kana! Kanina pa 'to lasing eh." Bungad sakin ni Alex pag lapit ko sa kanila.

"Problemado ata sayo 'tong si pinuno, HB." Sabi naman nitong si Mark.

"Psh. Yaan niyo na yun. Tulungan niyo kong buhatin yan. Sa condo unit nya muna natin yan dalhin. Baka magalit si Ate Czarina pag nakita yang ganyan." Sagot ko sa kanila.

Nag nod naman sila at nag simula na kaming buhatin 'tong loko na 'to. Dinala namin siya sa kotse niya. Si Mark nalang daw ang mag da-drive tutal hindi pa naman daw siya lasing. Si Alex medyo may tama na din eh.

"Hays. Ang bigat talaga nito ni pinuno pag nalalasing." Sabi ni Mark pagkabagsak namin sa higaan si Cyrus.

"Oh pano, HB. Ikaw na bahala kay pinuno ha? Mauna na kami." -Alex

"Wag mong gagahasain yan ha. Baka mabuntis mo yan. Nako." -Mark sabay tumawa.

"Lumayas na nga kayo! Kung anu-ano pa sinasabi niyo dyan. Salamat nalang sa paghatid." Mataray na sabi ko.

Destiny (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon