HoneyBabe's POV
Kinabukasan pakiramdam ko lumilindol, kaya napatayo agad ako. Dun ko lang na-realize na inaalog lang ako ng magaling kong Kuya.
"Kuya, inaantok pa po ako!" Pagmamaktol ko.
"Princess, this is your 1st regular class, mas magandang pasukan mo ito." Kuya na panay pa rin ang alog sa'kin.
"Oo na po, susunod na 'ko sa baba." - Ako sabay bangon sa kama at diretso na ng sa CR.
After siguro mga 30minutes natapos na 'ko sa lahat ng dapat kong gawin. Kaya bumaba agad ako. Naabutan ko naman naman si Mama at Kuya na kumakain na ng breakfast.
"Goodmorning Kuya, 'ma." Walang gana kong bati sakanila.
"Oh, anak bakit ganyan ang mata mo? Namumukto, umiyak kaba?" Tanong sa akin ni Mama pagkaupo ko.
"Oo nga princess, may nagpaiyak ba sa'yo? Sabihin mo lang sakin at ng maresbakan agad natin." Sabi pa sa'kin ni Kuya.
Hays, ayan na naman sila sa pagiging over-protective nila sa'kin.
"Okay lang po ako Kuya 'ma, napuwing lang siguro ako." Sabi ko kahit 'di naman kapani-paniwala 'yung dahilan ko. Kumain nalang ako nang mabilis at nagpaalam na 'ko kila Mama baka ma-late pa 'ko eh.
Ayun nagkita nalang kami nila bessy sa room, 'di na 'ko sumabay sa kanila kasi sinabi kong masama ang pakiramdam ko.
Pagpasok ko umupo agad ako sa upuan ko. Tinanong ako nila bessy kung ano daw nangyari sa'kin. Di naman ako sumagot at mukhang alam na nila kung bakit ako ganito.
Ayun inantay nalang namin si Mrs.Bu Ang. Siya kasi adviser namin at the same time Physics teacher namin. Maya-maya dumating na naman siya.
"Goodmorning class!" - Mrs. Bu Ang
"Goodmorning mam!" - Bati naming lahat.
"Okay class, before we start to our class. I'd like you to meet this 5guys. I know many of the students here in the school are know them well."
Parang kilala ko na kung sino 'yung mga 'yun. At hindi nga ako nagkamali nung isa-isa na silang pumasok ng room. 'Yung mga classmate kong babae puro tilian pa nga eh. 'Yung mga lalaki ko namang classmate mukhang badtrip na badtrip sa mga 'yun. Lalo na si CeeJay.
"Class this is Cyrus,Mark,Axl,Yves Melveen at si Alex John. Magiging classmate niyo sila this school year. Okay?"
Mukhang sinadya nang mga 'to na dito pumasok para mahirapan kami ah? Pwes! 'Di kami papatalo sa kanila.
"Okay class, we will have a seating arrangement. When I call your name, dun kayo uupo sa na-assign sa inyong upuan.." Sabi pa ni Ma'am.
Ayun nag umpisa nang mag tawag si ma'am nang mga pangalan namin. At kung minamalas ka nga naman katabi ko pa 'tong mokong na 'to. Sino pa ba? e'di itong Cyrus na 'to! Bali ang pwesto namin ganto.
Ako-Cyrus-Melody-Mark-Andrea-Yves.
Ayun nga natapos na 'yung seating arrangement na halata mo namang sinadya! Tss.
"Okay class, meron pa tayong 20minutes. Magkakaroon naman tayo ng groupings pero by twos lang." -Ma'am
Ayun nag groupings na sila. At mukhang kami nalang ang walang ka-group ah?
Bigla naman akong kinalabit nitong katabi ko na halatang may mapang-asar sa mukha nya.
"Hoy panget! Wala na 'kong ma-partner. Tayo nalang ah. Ge." Sabi nitong Cyrus na to at..