Chapter 11

2.6K 91 17
                                    

Honeybabe's POV

Masayang masaya kaming umuwi sa kanya-kanya naming bahay.

Ikaw ba naman manalo at ang bongga ng prize, +2 lang naman sa final grades namin for 1st grading. Oh, 'di ba?  HAYAHAY! Haha..

Ayun nga pag-uwi ko diretso agad ako sa kwarto ko at nahiga na. Siguro dahil sa sobrang pagod na rin ay nnakatulog na ako agad.

zZZZZzzzz...

--

Kinabukasan..

"Goodmorning philippines! Goodmorning world!" Sigaw ko.

A/N: Toni Gonzaga ikaw ba 'yan? Haha! XD

Ang aga ko nagising kasi mag kikita-kita kami nila bessy ngayon. Sunday naman kaya okay lang na mag-gagala kami ngayon. Pero bakit ganun? Parang kinabahan ako bigla? Hmm. Weird..

Naligo nalang ako at nag-ayos na nang sarili ko kahit wala naman magbabago. Hahaha! Ite-text ko nalang sila bessy na magkita-kita nalang kami sa SM Masinag.

Dali-dali na 'kong bumaba at nagpaalam na kila Mama. 'di na ako humingi ng pera kasi alam niyo na. Ayun nga nag tricycle na 'ko para mapabilis ako. Nag text na din kasi sila bessy na nandun na daw sila.

Pag baba ko nagbayad muna ko bago pumasok ng mall. Dali-dali akong pumunta kung nasaan 'yung dalawa. Agad ko naman silang nakita.

"Bessy!" Pag tawag ko sa kanila.

"Oh bessy, tara gala na tayo." Pag-yaya ni Andrea, si Melody naman 'di sumagot. Problema nitong dalawang 'to? Ang weird ng kinkilos nila ha..

"San tayo unang pupunta?" Masigla kong sabi sa kanila. 'di naman sila sumagot at tuloy lang sa paglalakad.

"Hello. Like hello? Nandito po kaya ako." Sabi ko sabay pout. Napalingon naman sila sa'kin.

"Tara bessy, jollibee muna tayo. Gutom na din kasi ako eh." Walang emosyong sabi ni Melody.

"Oo nga. Tara!" Sabi pa ni Andrea sabay nag lakad na.

"Okaaaaaay." 'Yan nalang ang tanging nasagot ko at sumunod na sakanila.

Pag pasok namin um-order nalang muna kami bago naupo sa pwesto namin.

Habang kumakain walang nagsasalita ni isa sa amin, kaya binasag ko na ang katahimikan.

"May problema ba?" Pag uumpisa ko.

"Bessy." Sabay pa nilang sabi.

"Ikaw na mauna Andrea." Sabi nitong si Melody. Ano ba talagang nangyayari? naguguluhan na 'ko ah.

"Ahm bessy, we're leaving." Malungkot na sabi ni Andrea. At ano daw? Tama ba 'ko nang narinig? Aalis sila? Bakit? At san sila pupunta?

"Oh? San naman lakad niyo? 'di niyo ba 'ko isasama?" Sabi ko kahit gets ko naman 'yung sinabi ni Andrea.

"No bessy, I'm leaving. Pupunta na 'ko sa korea for good. Duon ko na ipagpapatuloy 'yung pag-aaral ko. Nagkaroon kasi ng emergency, si Mama nagkasakit, kailangan niya ng kasama dun. Sa isang araw na flight ko. Sorry talaga bessy." Andrea na mangilid-ngilid na 'yung luha sa gilid ng mata niya.

"Ako naman bessy, pupunta na 'ko nang japan for family business. Sa'kin na daw muna io-over take 'yung business namin dun. Si Papa kasi pupuntang korea for almost 2years para dun sa bagong tayong restaurant namin dun. Dun na din ako mag-aaral, home study nga lang." Paliwanag naman ni Melody.

"So, ganun? Iiwan n'yo ko mag-isa?" Ako na parang naiiyak na rin.

"Sorry bessy, 'di namin gustong iwan ka. Sana maintindihan mo kami." Andrea na umiiyak na.

"Sorry talaga bessy.." Melody sabay  yumakap sa'kin.

"Sssshh.. Tahan na, naiintindihan ko kayo 'di niyo naman gusto na mapalayo  sa'kin 'di ba? Basta promise n'yo sakin babalik kayo ha? Hihintayin ko kayo. Mami-miss ko kayo." Wala na tuluyan na 'kong  naiyak. Kasi naman talagang dalawa pa silang aalis. 'di ba pwedeng isa lang? Aissh.

"Oo naman syempre babalik kami. Promise namin 'yan.  Mami-miss ka din namin bessy!" Andrea

"Mami-miss ko 'yung pagbuang n'yong dalawa. Huhu!" Ako na panay padin ang iyak.

"Ssshh. Tama na nga 'tong drama na'to. Let's eat na at magpakasaya tayo ngayon!" Masiglang sabi ni melody .

"TAMA!" Sabay naming sabi ni Andrea.

Nag-gala lang kami sa sm. Naglaro din kami sa Quantum. Nakakatuwa nga eh halos lahat nang pwedeng laruin nilaro namin. Pero ang pinaka nakakatawa ehh 'yung pag kanta ni Andrea dun sa mini stage. at ang kinanta niya?  "LISTEN" lang naman. halos lahat nga ng tao sa Quantum nakatakip na ng tenga eh. Hahaha! Worth it naman kasi halos ma-UTOT na kami ni Melody kakatawa! Woooooah! Laughtrip talaga! Hahaha.

A/N: Sorry sa word. XD

"Hay na 'ko bessy! grabe ka talaga kanina! Birit kung birit! Hahaha!" -Melody

"Wala eh last na'to, sinusulit ko nalang." Andrea na malungkot na naman ang mukha.

Niyakap nalang namin ang isa't isa. Tama si Andrea last na nga 'to. Di namin alam kung kelan ulit mangyayari 'to. Hays buhay nga naman..

Itutuloy..

Destiny (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon