Third person's POV
Habang masayang masaya ang dalawang magkasintahan na sina HB at Cyrus ay hindi nila alam na may isang taong lubos na nasasaktan. Nanghihinayang na sana ay hindi nalang niya ito binitawan.
Pero hindi pa naman huli ang lahat para saamin diba? Pwede pa ulit kaming magsimula sa umpisa. Yan ang nasa isip ng dalagang si Ariane.
Dumaan ang mga araw at buwan na madaming nangyari.
Sina Marqus at Czarina ay nagpasyang magpakasal na. Tutal nasa gustong gulang nadin daw naman sila at dinadala na din ni Czarina ang magiging panganay nila. Oo tama kayo. Buntis na nga si Czarina makaraan ng limang buwan matapos nilang magkabalikan.
Sina Alex at Sarah naman ay mas naging matatag pa ang kanilang relasyon. Bagamat dumadaan din sila paminsan-minsan sa mga problema ay agad naman nila itong naso-solusyunan.
Si Mark naman ay humarap siya sa matinding problema. Nagbunga ang isang gabing may nangyari sakanila ni Cassandra. Ang babaeng kayang gawin ang lahat upang mapasakanya ang lalaking gugustuhin niya. Ganun pa man. Hindi niya ito pinanindigan bagkus ay itinuloy niya padin ang relasyon na meron sila ng fiancee niyang si Em-em.
Kahit na babaero at maloko itong si Mark ay seryoso siyang mag mahal. Hindi naman niya totally na pinabayaan si Cassandra. Tatayo siya bilang ama ng magiging anak niya rito pero hindi para maging asawa ni Cassandra.
Ang nanay naman ni Andrea ay hindi nadin nagtagal. Isang buwan matapos niya bumalik ng korea ay binawian na ng buhay ang kanyang nanaydahil sa atake sa puso. Marahil dahil nadin sa katandaan ay hindi narin niya kinaya ang sakit niya.
Matapos mailibing ng nanay niya ay napagpasyahan niyang bumalik nalang ng pinas tutal wala nadin naman ang dahilan kung bakit siya naroroon.
Sa pinas niya napiling ipagpatuloy ang pag aaral niya. Sa kanya din ipinamana ang lahat ng kayamanan na naiwan ng pumanaw niyang nanay. Inaasikaso niya ito through internet upang hindi niya ito mapabayaan kahit nasa pilipinas siya.
Si Axl naman ay pinursue niya ang career niya sa pagkakarera ng sasakyan. Bagamat meron na siyang napupusuang babae ay tuloy padin siya sa pagkakarera niya kahit na tutol ito sa bisyo niya. Ang babaeng tinutukoy ay walang iba kungdi si Andrea. Hindi niya rin lubusang maisip na magkakagusto siya rito. Napagtanto niya lamang ito nung nalaman niya ang naging takbo ng buhay ni Andrea. Naging sandalan siya nito nung mga panahong nagdurusa ito sa pagkamatay ng nanay niya.
Si Yves naman ay kung hindi nababanggit sa kwento ay isang napakabuting tao. Madalas itong pumupunta sa mga foundation para sa mga batang inabanduna ng kanilang mga magulang. Oo kahit na may pagkamaloko din 'tong lalaking 'to ay likas dito ang pagiging matulungin.
Si Melody naman ay nagpasyang bumalik ng pinas at duon nadin mag stay simula ng nalaman niyang pumanaw na ang nanay ng kanyang bestfriend na si Andrea. Alam niya na mas kaylangan nito ng makakapitan at makukunan ng lakas ng loob upang magpatuloy sa buhay.
Pero ang hindi niya inaasahan sa pagbabalik niya ng pilipinas ay sasalubungin siya ng isang bata na obsessed na obsessed sa kanya. Ang batang ito ay walang iba kung hindi si Yvan Renze Ci na kapatid ni Mark David Ci.
Simula ng dumating siya ng pilipinas hanggang ngayon ay patuloy padin ito sa pangungulit. Katunayan ay palagi itong dumadalaw sa tinutuluyan ng dalaga upang manligaw. Sinasakyan na lamang ng dalaga ang ginagawa ng bata niyang manliligaw.
Matapos matalo sa patimpalak ni Ceejay ay ginawa niya ang lahat upang mahigitan ang taong simula palang ay hindi na niya matalo-talo. Naghahanda siya ngayon para sa araw ng alam niyang matatalo narin niya ito.
January 21. Araw na hinding hindi malilimutan ni Honeybabe. kasi itong araw na ito ay may taong umalis sa piling niya at muli itong magbabalik.
--
Itutuloy...