Epilogue

3.6K 67 45
                                    

Cyrus POV


After 3 years..


"Bebe, bilisan mo! Excited na 'kong makita ang buong tropa ko!" Sigaw ko kay Ariane.


Nandito kasi kami sa NAIA. Nandito na ulit kami sa pilipinas after 3 years. Nag pasya kaming bumalik na upang dito ipagpatuloy ang pag-aaral namin. Pumayag na naman si Papa kasi 4th year na 'ko sa pasukan.


"Oo na! 'Wag ka ngang masyadong excited diyan!" Sigaw niya pabalik habang bitbit ang lahat ng bagahe namin. Siya kasi pinagbuhat ko eh. Bait ko 'no? Hahaha!


"Akina nga 'yung iba. Kawawa ka naman eh. Haha!" Sabi ko sa kanya sabay kuha ng ibang bagahe.


"Wow ha, salamat ah." Sarkastikong sabi niya.


"Tara bilis. Hinihintay na nila tayo." Sabi ko at mabilis na siyang kinaladkad.


Pagkarating namin sa lobby ay nakita kong naghihintay silang lahat kaya tumakbo na ako at mabilis na niyakap silang lahat. Na-miss ko 'tong mga kumag na 'to, eh!


"Pinuno! Uwaaaaah!" Sigaw ni Mark sabay yumakap pabalik sa'kin.


"Na-miss kita ng sobra, pinuno! Tignan mo oh. Mas gwapo na'ko sa'yo. Huhuhu. Ang sad 'no?" Sabi pa niya. Aba, loko 'to ah.


Tinanggal ko siya sa pagkakayakap sa'kin. "Patingin nga... Sabi ko sabay kinilatis ko ng buong mukha niya. ..parang hindi naman. Hahaha!" Pagpapatuloy ko.


"Grabe ka sa'kin, pinuno. Pinaghirapan kong magpapogi ng husto para mahigitan kita. Pero kulang parin pala. Huhuhu." Sabi niya at umarte pang umiiyak.


"Haha! Joke lang. Gumwapo ka nga. Pero konti lang. Haha! Na-miss kita parekoy!" Sabi ko at niyakap ko ulit siya.


"Kami hindi mo man lang ba na-miss?" -Yves


"Oo nga. Pumunta pa naman kami dito ng kaaga-aga kahit may hang-over kaming lahat. Pero si Mark lang pala na-miss mo. Tara na guys. Nagbago na talaga si pinuno." Sabi pa ni Alex at nagsimula na silang maglakad palayo.


"Sige, umalis kayo. Hindi n'yo matatanggap mga pasalubong ko sa inyo!" Sigaw ko.


At ang mga kumag? Ayun! Nag unahang tumakbo pabalik. Hahaha!


"Ay, okay lang pala kahit hindi ako na-miss ni pinuno. Hihi." -Yves


"Ako rin. Okay lang ka—"


Hindi ko na sila pinatapos mag salita at niyakap ko na silang lahat.


"Na-miss ko kayo ng sobra mga brad." Sabi ko sa kanila.


Destiny (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon