Kabanata I [Unang pagbati]

6.8K 60 3
                                    

"Gaaaaaaahhhh! Ma! Si Kuya, bwisit!" singhal ko kaagad, maagang maaga palang habang pilit na bumabangon sa kama ko.

"Bumangon ka na, Alexandra! Hayaan mo naman na yang kuya mo, bagal mo kasing gumalaw kaya pinakikilos ka na kaagad." sabi ng nanay ko habang pumipirma ng mga kontrata ng Kuya ko para sa mga skits, teleseryes at tv guestings nya para sa mga susunod na araw.

"Alex, tatamarin ka na kasi maligo mamaya, baka makakasalubong mo yung mga gw---" nangaasar na sabi ni Kuya na bigla ko namang napigilan kasi alam ko na ang susunod.

"Hep!!! Hep!!! Stop na? Okay na? Babangon na nga diba??? Dami daming sinasabi" sabi ko, nakataas ang kamay na parang sumusurrender na agad sa mga susunod na sasabihin pa ng Kuya ko.

Naliligo naman ako, chempo lang na wala sila kapag nangyayare yon. Nagayos na ako ng itsura ko at naghanda nang umalis. Maya maya pa, may tumawag sakin sa phone ko.

"ALEEEEEEEEXXXXX!!", sigaw nung mga lalaki na nasa kabilang linya. Di na ako nagugulat pag ginagawa nila to. Halos araw araw na tong nangyayari. Nasanay narin ako.

Mga kaklase ko sila sa Business Math class. Athletes sila ng DLSU. Minsan hindi halata lalo na pag nagkakayayaan kumain, pagkakasisiba. Kala mo maaagawan ng pagkain.

"Oh anong gusto? Sabi na agad, paalis na ako ng bahay."

"Padala ng extra calcu, thanks labyu" sabi ni Kib na mukhang nagcocompute ng mga interest at losses dun sa tabi nila.

"Dala ka pagkain! Miss ka namin!" sabi ni Aljun na tutok na tutok yung boses sa speaker, kala mo naman di ko maririnig.

"Mga gago, kakakita lang natin nung isang araw. Humanap kaya kayo ng jowa, lagi nalang ako namiss nyo" sabi ko ng pabiro sa kanila. Lagi silang ganyan sakin, lalo na at alam nilang wala namang magseselos kasi wala naman akong boyfriend.

"BILISAN MO NA DYAN BRENT HIHIRAM LANG TAYO NG CALCU EH"

"Dala ka narin ng yellow pad, ubos na yung sakin!!! Buti nalang talaga late ka, Alex!!!!" sigaw ni Andrei at Jollo na parang aligaga na. For sure may di nanaman sila nagawa na pina take home ni miss.

"Oo na. Mga taong to. Good morning ha" sabi ko with sarcasm. Ibababa ko na sana yung phone nang may biglang sumingit at sumigaw. Nagulat ako kasi akala ko wala nang iimik.

"BILISAN MO ALEX ANG TAGAL ANO NA NASAN NA", sigaw ni Brent. Hilig nyang asarin ako, lalo na kapag alam nyang tinataranta nila ako kapag may naiiwan silang gamit sa dorm.

"DI KITA IPAGDADALA! IMIK BRENT" sabay sabi ko na biglang nakapag patahimik at hinhin kay Brent. Pumasok na daw ako at magingat at lahat na ng magandang salita pwedeng lumabas mula sa bibig nya.

Binaba ko na yung tawag at kumuha ng mga pinapadala nila. Dinrop ako nila Kuya sa Andrew Hall at nagdirediretso sa room namin sa 14th floor.

Di pa ako nakakababa ng elevator ay nagaabang na silang lahat dun sa bungad. Kinuha nila yung bag ko at dinala sa loob ng room, kanya kanyang kuha ng kailangan gamit.

Umupo na chair ako sa gitna ng classroom at nagrecheck ng sagot. Nang maconfirm ko yung mga sagot ko, binaba ko yung glasses ko. Di ko narin pala napansin yung suot ko. Tshirt at pants na black nalang pala ang naisuot ko. Pati buhok ko di ko narin pala naayos. Tumutikwas na yung full bangs ko na akala mo'y may buhay.

Nang matapos magkagulo ang mga kaklase kong lalaki don sa likod about dun sa assignment ni Miss, biglang tumahimik at pumayapa ang room namin. 30 minutes before bell pa naman kaya chumika chika pa ang lahat ng maaga dumating.

Nilapitan ko sila at mukhang inexpect na sila na mangyayari tong gagawin ko. Lagi nalang kasing kinakalimutan, alam kong busy pero dapat balanse sa acads at sports diba?

"Baka gusto nyong magpaliwanag?" sabi ko na parang nagdedemand ng sagot sa kanilang nakatingin na sakin. "Ba't kasi di nyo agad ginawa ala---"

"Alam naman namin na maglilitanya ka nanaman, kaya naghanda kami ng representative para magexplain" sabi ni Jollo na parang proud na proud sa mga pinagsasasabi niya.

Inexplain nilang nirerewrite lang daw naman nila ang mga sagot nila at nirerecheck kasi mga kumag daw sila, inunahan na daw nila ako sa part na yon dahil alam nilang parte ng pagsesermon ko yon. Sino ba daw naman kasing matino ang magpapa essay sa Busi Math diba?

Nang natapos ang usapan na yon, umupo na muna ulit ako sa upuab ko at gusto ko talagang umidlip.

Maya maya, napansin kong may nakatingin sakin. Di na ako makakita ng walang salamin, di ko masigurado kung sakin nakatingin o sa iba. Nang maisuot ko, nakita ko yung itsura nya. Aba, sumulyap pa ng isa pa? Hinuli ko ang tingin. Nagtataka parin ako.

Anong problema nito? Napangitan kagad sakin??? O dahil ba tikwas yung bangs ko ngayon?

Di parin tumigil ng pagtingin kaya sinamaan ko ng tingin. Natatawa na sya, di ko naman gets kung bakit? Nung nainis na ako, wala na akong nagawa. Binelatan ko at pinandilatan tas natawa sya.

"Nu ba to? Batuhin kita eh. Tingin pa", sabi ko dun sa lalaking nakatingin sakin kanina pa. Tinatawanan nya lang ako hanggang sa nanawa na at hunarap na sa unahan since dumating narin si Miss.

Parang ngayon ko lang sya nakita. Naka tshirt din sya ba black at sweatshorts na may dalang duffle bag at ayos na ayos ang itsura. Itanong ko nalang mamaya kina Brent kapag naglunch. Baka kilala nila.

"Haaaaay nako, Alex. Ano nanaman kayang role ng taong to sa buhay mo? Baka dumagdag nanaman sa manghihingi sayo ng calcu. Magipon na kaya ako?", sabi ko sa sarili ko habang nagaayos ng gamit ko para sa BusiMath class namin. Nagstart na si Miss at naging productive ang nagiisang klase ko ngayong araw na to.

Change [Ricci Rivero, Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon