Kabanata XVII

2K 39 1
                                    

Napalingon kaming lahat dun sa umimik. Ako, lumingon sa gulat. Sila? Tumatawa.

"Tangjna?" wawalk out na sana ako nang biglang harangan ni Prince at Kib ang pintuan. Wala nanaman akong kawala sa mga 'to.

"Hobby mo kasi mag walk out. Ayan, nagassign na ako ng bouncers na haharang sa doors para di ka makalabas" sabi ni Ricci.

Legit, paiyak na ako dun kaya gusto kong magtago muna. Nang di na kinayanan, nagtakip ako ng mukha at naiyak na.

Sobrang natakot ako, legit. Kahit isang linggo lang yon, don ako tinamaan ng realidad sa lahat ng aspeto sa buhay ko.

Hinatak ako ni Ricci at humihingi ng yakap pero di ko pinansin at naupo kami dun sa couch na inuupuan niya kanina. Pinatong ko ang siko ko sa table at tinakpan ulit ang mata ko. Iyak talaga ako ng iyak, di ko matigilan.

Nang tumahan na ako ng konti, I rested my chin sa palms ko at tiningnan siya. Ayun, natatawa sa akin. Nilingon ko sina Brent at nakita kong nagsimula na silang kumain kaya di na nila kami mapapansin muna.

"Tatawanan mo lang ako?" sabi ko sabay singhot. "Kainis naman to eeeeehhh" sabi ko sa kanya ng pagigil at umiyak nanaman. Tatayo na sana ako ulit para umalis na pero tumayo siya kaagad at nahila ako para umupo sa tabi ko.

Tinitigan at pinanuod niya ako habang nakarest ang ulo at arm niya sa table. "Bakit ka umiiyak? Dahil sakin?"

"Hindi"

"Talaga? Eh bakit?"

Napaangat siya bigla ng ulo at nakinig ng nakaupo lang ng ayos.

"Bakit ka umiiyak?"

"Ayokong sabihin."

"Ano nga?"

"Ayoko."

"Ano nga, aa?!"

"Natakot lang naman kasi ako. I'm torn between letting you in or magintay pa ng konti tas bigla bigla kang mawawala? Uso kasing magulit o magbilin tungkol sa kung nasaan ka! Hindi yang ganyan na madudulas ako ng wala sa ora----"

"Your point is?"

"Tangjna, ang hina mo naman! Papaulit pa sa akin ih!" asta kong manununtok at napayakap nalang sa bag na dala dala ko.

"Ako yakapin mo, wag yan" sabi ni Ricci na natatawa at tinanggal yung bag na yakap ko at pinayakap ako sa kanya.

"Alam mo, gago ka. Pinagatungan mo oa ata kina Donato tong ginawa mo eh"

"Uy hindi ha. Kala daw kasi nila, alam mo. Hindi ka raw umiimik? Miss mo 'ko masyado? Tunaw na ata ako sa pictures natin nung concert ah? Tingin nga!?"

"AY NAKO tigilan mo nga ako"

"Di ko gagawin sayo yan, baka mabaliw ka. Hug kita gusto mo?"

"Wow ah???? Ayoko. Alam mo, kung kelan ano na 'ko eh...."

"Kung kelan ano?"

"Wala" biglang urong ko. Tama ba 'tong ginagawa ko???

"Alexandra sabihin mo na!" sigaw sakin ni Donny na bigla niya namang niregret kasi tiningnan ko siya ng masama. "Peace out haha oops"

"So ano nga?"

"Ughhhhh"

"Alex." seryoso niyang sabi sakin.

"Okay sige na! Kulit kulit nito"

Lumipat siya sa kabilang seat uli, naghalumbaba at nakinig sakin na parang batang nagiintay na payagan nang maglaro sa labas instead na magsiesta.

"Hmmmm okay I'm listening"

"Na... N-natakot ako. Sige na aaminin ko na, pipikit nalang ako kasi nahihiya ako at hindi ako sanay dahil unang beses palang naman to. Natakot ako na baka yung kaisaisahang tao na napapasok ko sa buhay ko at mabibigyan ko ng chance na kilalanin ako... mawala kaagad. Tsaka as I said, that night at the concert I was already torn and I knew this was going to happen kasi its either I lose you because tinutulak kita palayo or I can make you stay by doing something, and I was about to do something na kaso nawala ka ng walang pasabi kaya nawala din ako sa wisyo.. Kaya natakot ako"

"Naiiyak ako teka" kunwaring pagpupunas ni Ricci ng luha tapos umimik ulit. "Di namab ako mawawala sayo kasi wala naman akong balak na umalis anytime soon. Tsaka... Alam mo? I heard your wish nung 11:11 that night. Tandang tanda ko every line at sinulat ko pa sa notes ko. You said...."

Hala??? Deja Vu? Nangyari to kanina sa Chapel diba, sa panaginip ko??? Uhm???

"Ricci Paolo, don't you dare. Nakakahiya" sabi ko sa kanya ng seryoso.

"Bakit nakakahiya? Sobrang ganda nung prayer mo. Eto, I'll read." natatawa niyang tanong.

"Di nga ako sanay AA!"

"Eto sabi mo oh 'I really hope this moment would last forever. And I wish you'd make more time for me sa mga next days kahit I always push you away. Sana rin you'd never have to leave, kahit there's a possibility na hindi ikaw ang person ko, kasi I really like my awra when you're around. I may sound like I'm drunk, Lord, but if ever this was to be a dream, sana may continuation pa sa sunod kong sleep.' Alex, I know its real. It was a prayer so you weren't lying, right?"

Nagfacepalm nalang ako at napakamot sa ulo. Tumango tango nalang ako, sign na I finally admitted to what he read. He ran his fingers through his hair was was smiling so brightly, nasilaw ako.

"Care to explain? Backstabber ka pala ah.. kala ko friends lang tayo, nilolove mo na ako patalikod.."

"Love agad? Ayaw lang mawala, yun lang ang sabi ko. Alam mo, pabibo ka"

"Alam mo, pakipot ka :P Kilig ka nanaman sakin"

"Inassume mo naman"

"Ngitian kita *smiles*"

Nginitian niya nga ako at I didn't help but roll my eyes at napaubob nalang ako at biglang sumaya nalang at gumaan ang loob. Tangjnaaaaa, Alex! Nginitian ka lang!!!!!!!

"Ako'ng bahala sayo. Wag ka nang matakot, ok?"

Tumunghay ako at nirest ang chin ko sa arm ko habang nakatingin sa kanya. "Hindi na 'ko matatakot, basta hahawakan mo kamay ko ah? Sasamahan mo 'ko habang nilalakbay ko pa ang daan pabalik" sabi ko sa kanya ng mahina lang para walang makarinig sa amin.

"Matagal ka nang nakabalik, tulog ka lang noon at ngayon ka lang nagising. Di ka ba happy na ako una mong nakita nang magising ka?"

Natahimik kaming dalawa at di ako agad nakasagot dahil sasabog na ang damdamin ko.

"Happy ka na?"

Masaya ako. Masayang masaya kasi nakalabas na ako sa hawla ko na pumipigil sakin na gawin ang lahat.

Tumango ako sa kanya with a satisfied look on my face. My tears were all gone at himalang nagbrighten up din ulit ang awra ng paligid.

"So pwede na 'kong manligaw?"

Change [Ricci Rivero, Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon