Kabanata IV [Padahan]

2.8K 41 5
                                    

Masaya lang ang lahat nung makatapos kumain. Kinailangan din umalis ni Donny pagkatapos ng ilang activities na hinanda para atleast maenjoy naman namin yung libre naming araw.

Tinawagan ako ng kaibigan kong si Marie at tinanong kung nasaan ako. Magaaya daw sana sya ng shot kaso may ginagawa pala daw ako kaya sa ibang araw nalang.

Si Marie, yun ang solid, as in SO LID na fan ng Green Archers. Mula umaga hanggang gabi, sila ang laman ng kwento niya, lalo na si Ricci. Di ko na nabanggit na sila ang kasama ko ngayon, too bad hindi ko sya naipakilala sa kanila at sa kanya.

Maganda si Marie. Everything you need and want sa isang babae, she has it. Beauty, brains, skills, talents, attitude, poise— lahat. Lahat ng "wala" ako, for short.

I was alone kasama yung girlfriends nila Aljun, Jollo at Kib. Kinausap nila ako about them while naglalaro sila dun sa labas at nageentertain ng fans na dumayo for them.

Sabi ko, okay naman. Naging malapit talaga silang lahat sakin lalo na at para na nila akong nanay nanayan or ate. I mentioned na one of the boys din ako since highschool at talagang konti lang ang nakasundo kong girls as friends.

"Kung one of the boys ka, possible ba na mafall ka sa isa sa kanila?" sabi ng girl ni Kib. I still don't know her pero I'll know naman kapag palagi na kaming magkakasama.

"I think not, di nila ako kaya haha. Sabi nga nila, mas barako pa ako sa mga magtatangka sakin."

"Hmm, I think not ka dyan. Ano ka ba, its possible! Ang ganda mo kaya!"

"Narinig ko na yan, di naman totoo"

"Anong hindi! Hmmm girl, ikaw ha"

"Oo nga kasi. I know myself well. Ni hindi nga ako nag lalagay ng kulay sa mukha ko. Yang mga lipstick at kilay na yan? Nakakatamad kaya"

"G ka ba? Kung imake over ka namin? Papayag ka?"

"No. I won't tsaka para san pa? Di ko rin naman magagamit", stubborn kong sagot sa tinanong sakin ng girlfriend ni Jollo na sobrang ganda.

"Alam mo, alam kong may natitira paring babae dyan sa inner self mo. Sige na, pumayag ka naaaaa" pilit sakin ng girlfriend ni Aljun, sabay tanggal ng cap sa ulo ko.

"Hay nako kayo. Pinagkakaisahan nyoko. Sayang lang!"

"Sige na! Bahala ka, pag naunahan ka kay Rivero, wala ka na. Madami kayang nakaabang dyan kahit alam naming ikaw lang ang tinitingnan nya ng ganyan"

"Para kayong aliens, di ko gusto si Rivero. Maghunos dili nga kayo. Sadyang ganun yon, lampas naman tingin nya sakin kasi seatmate ko yung crush nya. Hay nako, itext nyo ako kapag tapos na kayong mangulit about giving me a make over." sabi ko sabay tayo at nagpaalam na sa kanilang lahat.

"Dami nanamang nasabi. Ingat ka ha!" sabi nung girlfriends nila sabay tawa at kamot sa ulo.

Habang nagiikot ako sa mall, di ko mawari kung bakit ako dinala ng mga paa ko dito.

Uy, nabagabag ka ba nung sinabing mauunahan ka kay Rivero? Luh, hindi no. Bakit naman?

Eh bakit ka andito sa bilihan ng damit ng babae? May balak ka? Wala. Malisyosa ka, inner self. Napadaan lang eh.

Sigurado ka ba? Oo nga sabi. Kainis.

Pero seryoso na. Di ko rin alam kung bakit ako kinabahan. Kinabogan ako sa dibdib ko, para bang may voice sa utak ko na gustong lumabas ng pagkababae ko.

Tama ba 'to? Oo.
Kailangan bang pigilan ko? Hindi.
Eh bakit ako natatakot? Walang konkretong eksplanasyon. Pero di natin masabi, baka kasi takot ka at di mo pa talaga alam ang gagawin mo kapag may nagmahal sayo.

Sabi na nga ba.

///// ////// /////
The next day was Sunday. Ako parin magisa dito sa bahay. Lumipad pala sina Kuya papunta ng US para sa show habang si Papa naman may business sa Cebu. Lahat sila sa kabilang buwan pa ang balik, meaning ako lang talaga magisa sa condo ngayong buwan.

Dumaan ako sa church ngayon at nag recieve ako ng communion. Lately kasi, bumabalik yung sakit ko.

I have clinical depression and anxiety attacks. Di ko alam ang nagiging trigger, pero everytime na nagkakaroon ako ng atake, I cry and cry tapos I tend to isolate myself from people kahit kailangan na kailangan ko sila. Glad to have parents na sobrang golden hearted, they had me checked right after my birthday and understood my situation. My friends knew about this din and ever since then, they were worried about me and how I was doing kahit ayoko na silang abalahin at pagaalalahanin sakin.

When I got back sa condo after eating my dinner, iniwan ko nga pala ang phone ko and I recieved hundreds of calls from all of them since this morning na umalis ako.

Huminga ako muna ng malalim. I remembered what my doctor told me nung naikwento ko sa kanya na lahat ng kaibigan ko, sina Aljun and the others, have partners already. Sila din kasi ang nilalapitan ko noon but ever since they had partners, lumayo ang loob ko kasi ayokong umistorbo. Ayokong sumagabal ang problems and rants ko sa mga lovey dovey dates nila kahit sabi naman nila okay lang.

Hindi magiging okay yun sakin. Ayoko na nakakasira ng saya ng ibang tao.

Kaya rin siguro I'm one of the boys, or totomboy tomboy ang astahan ko. I enjoy being one rin naman, masaya na ako na sila ang kasama ko.

Naiyak ako. The thought of being a burden and sakit sa ulo weighed me down again. Lagi nalang akong terror sa ibang tao pero ang totoo, takot lang talaga ako. Ugh.

Maya maya, nagring nanamab yung phone ko at sinagot ko yung tawag. Hindi ako umimik, hinayaan ko lang na sya na muna ang mauna.

"Alex? Alex! Sumagot ka! Okay ka lang ba? Nasan ka?" it was Ricci. He was panicking and I can hear Ahia and their parents at the other side of the line.

"Alex, please speak up? We're here for you. Gusto mo ba puntahan ka namin dyan? Al--" sabi ni Prince.

"Anak, okay ka lang ba? Please tell us, we're worried. Di ka sumasagot sa mga tawag namin the whole day." sabi ni Tita.

"Alex? Please", I heard Ricci again, this time I can hear his voice cracking and at the verge of tears.

"Love, okay lang ako. Don't worry, I won't do anything stupid. See you tomorrow, alright?", sabi ko and binaba ko na yung call before they can even speak another line.

Naalimpungatan din ako nung naalala kong tinawag ko si Ricci na love. Halos mabutas yung tiyan ko sa dami ng paruparo na lumilipad sa loob.

I don't know what I did, but all I knew is that it felt so right but so wrong at the same time.

Dahan-dahanin mo, Alexandra. Work things out at a manageable pace. You got this.

Change [Ricci Rivero, Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon