Kabanata IX [Pagbalik]

2.7K 40 2
                                        

From: Unknown number
Hi Alex! I got your number from your Kuya. How are you doing? Me and Theo will be around Taft area for the next 2 weeks para sa project namin na coincidentally ay nasa Taft, so if you'd like to meet and catch up, we can! By the way, this is Elliana from highschool!

My heart skipped a beat when I recieved the message. Its been 2 years, finally they had time to meet up with me!

To: Elliana
Maka from "highschool" ka naman 🙄 Miss ko kayo! San kayo ngayon?

From:
Nasa school pa ako, sya naman hindi makaalis ng Katip kasi may inaayos pa raw sila so baka by next or next next week, we'll be there na sa Taft. How's you? Still boyish?

To:
Yup, still boyish. Hahanapan mo nanaman ba ako ng boyfriend? Manigas ka.

From:
Haaaaaay Alexandra! Di ka parin nagbabago. Sige na di na ipipilit.. pero ingat ka ha! Set na natin date soon!

To:
Oo nga, pamiss kayo masyado. See you!

Nagaayos na kami ng condo ko before we leave ng sama-sama since magtetraining ang Green Archers by 5pm.

Nagpalit ako ng damit ko na panglakad na sweatshorts ni Kuya na green at hoodie ko na white with matching cap para di sumabog ang buhok ko caused by pollution sa labas.

Hanggang ngayon, tahimik talaga si Ricci. Ayoko kasi na maawkward ako sa kanya dahil sa mga pinagsasasabi nila or ni Marie sakin. Friends nothing more nothing less lang naman kasi kami kaya I don't see any reason why I can be so awkward sa kanya.

"Pst. Cci? Okay ka lang?" tanong ko sa kanya habang sinasabayan syang maglakad pabalik sa La Salle.

"Uhm, yeah. Okay lang ako. Why?"

"You sure?"

"Yeah. Mood swings lang siguro tsaka puyat. You? Okay ka lang?"

"Yeah"

"Ahh okay" dry nyang sagot habang dirediretso parin syang naglalakad kasabay.

"Tired lang ako, sorry" sunod nyang sabi "napuyat lang siguro talaga ng sobra kasi may tinitingnan ako na something online. We were up until 4 am talking about it kaya siguro ganito." explain nya pa sakin habang nagpho-phone sya.

"Phone ka kasi ng phone, ni hindi ka tumunghay buong araw. Pag nahipan ka ng hangin, ganyan ka magbabasketball. Nakatungo ka sige ka" pang asar ko sa kanya sabay tawa kami ng tawa kasi dinemonstrate ko dun sa open area sa harap ng Razon yung itsura nya pag nahipan sya ng hangin at nakatungo.

Turns out, talaga palang hinatid lang namin sila papunta rito at aalis narin kami kaagad. Lumiwanag ang mood nung naging masigla si Ricci. May paghampas pa nga sakin ng magaan nung natapos yung joke ko sa kanya.

"Ayan ah, wala na kayong problema. Hirap hirap patawanin nito, bayaran nyo kaya ako sa pagiging clown ng grupo nyo?! Umayos ka ah, hirap hirap mong patawanin."

"Dami nanamang nasabi!" sabi ni Ricci ng padabog habang nagkakamot ng ulo kunwari at naiinis. Naghampasan pa kami dun at iritahan hanggang sa ipatawag na sila ni coach sa loob para mag warm up na.

Nagkapaalaman na kami at ako ay dumiretso narin pauwi habang ang girls at si Marie ay nagpa sundo or nagpakuha na ng grab na pauwi. Napakahaba ng araw na 'to, sobrang daming nangyari kaagad sa loob ng 12 na oras halos na magkakasama kami.

Sa mga susunod na araw, paniguradong di nanaman kami magpapanagpo ng mga nakasama ko ngayon. Bukod sa sobrang daming projects ay marami din akong kailangan ayusin sa sarili ko.

Change [Ricci Rivero, Completed]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon