Kabanata XXXVIII.I

1.3K 30 9
                                        

Days after, we didn't talk anymore. May classes kami and gearing narin towards the end of the school year. Ricci started to train with UP Maroons narin kaya mas busy na siya. Ako naman, mas aligaga at hindi na gaano nakakasama sa mga lakad. Nagagalit na sila sakin at hindi na nagyayaya kasi daw alam nilang hindi naman ako sasama kahit sabihan ako.

I'm here now sa Henry Sy building. I looked for books na pwedeng magamit for research and sobrang antok narin ako. I hopped in sa elevator and turns out, it was Ricci and Jean who was inside. Sila lang dalawa, chatting. Ricci stopped talking habang si Jean, cheerfully bumati sakin. "Huuuy, Alex! San ka?" tanong ni Jean at lumabas ng elev, naiwanan si Ricci sa loob. "Pauwi na. Gawa ako research eh, tired na nga ako. Ikaw ba?" sabi ko dito at pumasok naman sa loob ng elevator, ignoring Ricci na nakakunot nanaman ang noo sakin.

I held the open button para magchat pa ng konti kay Jean. "Dito ako magsstay, dami kong tatapusin eh. Ingat ka, rest naman sana!" sabi niya at kumaway, sabay alis na. Ricci closed the elevator door sa floor namin at bumaba na.

Nasa 9th floor palang, naramdaman na naming may hindi maganda kaya we tried to get the down. "Buksan mo nga sa 8th para makababa tayo. Baka mastuck pa tayo." sabi ko kay Ricci at ginawa niya naman, pero before niya pa magawa, nagstop na ang elevator at hindi na gumalaw.

Nagshutdown ata ang system at biglang dumilim. Bigla kong pinindot ang bell button ba pang alarm at tumunog naman, wala palang talagang umiimik pa para saklolohan kami.

Kumalma ako the moment na tumunog ang alarm to signal yung mga magrerescue. May CCTV din naman kaya alam kong ligtas. Buti nalang sa elevator ng Henry Sy kami nastuck kasi mabilis-bilis ang rescue, mga isa hanggang dalawang oras. Pinakamabilis na yun when you're in DLSU, haha!

"What do we do now?" plain na sabi ni Ricci na halatang may kaba sa dibdib niya. "We wait. Tumunog naman yung alarm eh, nakarating na yun sa kanila." sabi ko at binuksan ang flashlight ng phone at naupo to read my books. Binuhay niya rin ang phone niya at halatang naaligaga na. "Bakit walang signal?!" inis niyang sabi at nagtry na may tawagan.

"Malamang, nasa loob tayo ng elevator. Sadyang wala, di ka ba nasanay?" sabi ko sa kanya and he rolled his eyes at me. "Bahala ka diyan. Kaya di tayo umuunlad, di mo alam na walang signal sa elevator. Kauuwi mo lang ba ng Pilipinas? Bakit ang bago nito para sayo?" sabi ko ng dirediretso at tumutok na sa binabasa ko. "Dami mong nasabi, Lex. Please nga, stuck na nga tayo eh." sabi niya at umupo and laid his head back sa wall.

Pasalamat ko nalang talaga, hindi ako matatakutin sa ganito. Mabubuhay parin naman ako at hindi naman ako claustrophobic. Itong kasama ko ang nasense kong takot at hindi mapakali sa mga ginagawa niya.

Sa pagkakastuck namin, hindi ako takot pero mga maaari naming mapagusapan para magpalipas oras ang kinatatakutan ko. Unang beses 'tong kami lang dalawa ang naiwan sa isang place kasi since he left, he never spoke to me again.

Sinamaan ko siya ng tingin at tinawanan. "Ano ba, takot ka ba?" tanong ko dito pero hindi sumagot. "HUY RICCI!" sigaw ko dito at halos mapatalon si Ricci sa takot. "Husay ka! Alex naman eh!" sabi ni Ricci and rolled his eyes at me. "Alam mo, you roll your eyes too much. Dukutin ko mata mo, gusto mo?"

"As if you never did the same before?" sabi niya sakin. Napatigil ako.

Wow, ungkatan ng past? Wait, I'm not quite ready. Kapit din kayo, baka di niyo kayanin.

"I told you una palang, I was a bitchessa. You never wanted to be warned and you ignored, ehhhhhdi ayan..." I gave him the 'i told you so' face, laughed and raised my shoulders.

"That's not what I meant, Alex." he smirked and looked at me. "Hanggang ngayon ba naman, tinutulak mo parin ako palayo?"

When I heard what he said, napatigil ako at nagisip. I chuckled and smirked at what he said. This will be one heck of a ride.

////
short updates incoming! para bitin ulit hehe labyu! ❤

Change [Ricci Rivero, Completed]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon