Kabanata III [Panahon]

3.3K 51 19
                                    

Dumaan ang ilang buwan, araw araw pare-pareho lang ng nangyayari. Bumilis ang panahon at sinabay na ang mga pangyayari, inaasahan man o hindi.

Kain, aral, tulog, ligo, layas, tulog. Its a cycle no one can help but follow.

Its been 4 months since I first met Ricci pero ganon parin turingan namin. Naging katulad nga siya ng mga kasamahan nya, kaibahan lang, iba pala talaga pag nagbago yung mood nya. Hindi sya ngingiti o iimik. Nasa phone nya lang sya nakatingin. Mahirap suyuin at madalas pagod.

Inuuto nga nila ako na kapag ako daw ang lumalapit, nagiiba daw ang awra ni Cci. Lumiliwanag, nabubuhay lalo na kapag pagod na pagod sya after training tapos makikita ako, iba daw ang ngiti.

Tropa tropa lang tayo dito. Wala akong time para dun sa mga sinasabi nila. Inencourage pa nila ako na magdamit babae na at sabi pa, sila daw ang bahala basta mamimili daw ako ng ayos at not too revealing.

Palagi kasi akong naka jersey shorts or naka pants lang. Di nila ako mapapagsuot ng shorts, skirts o mga dress dahil di naman din talaga ako papayag. Nasa process pa sila ng pamimilit kung kelan malapit nang matapos ang unang half ng last sem na to.

Di ko napansin, umaga na pala ng Saturday ngayon. Wala akong balak kaya nagstay nalang ako sa loob ng condo at nahiga sa sofa. Himala, mukhang di nagpaparamdam ang Archers kaya nakampante akong matulog sa sofa habang nakatalukbong ng kumot at nanunuod ng TV. Baka umuwi sa kani kanilang bahay para rin naman makapahinga sila.

Grabe yung pagod namin this sem, pang hanggang May na kagad. Non stop classes, home works at quizzes. Swerte nalang ngayon kasi we had a day off for ourselves. Lalo na for them, isabay pa ang training every other day at 5pm.

Papikit na ako ng unti unti nang biglang nagring yung phone ko.

Sabi na eh, walang araw ang makukumpleto hangga't walang tumatawag sakin sa umaga.

"Oh anong meron? Matutulog palang ako bilisan nyo"

"Talaga? Sayang naman, free time ko ngayon. Gusto sana ki---"

"DONATO?" Nagulat kasi ako! Ngayon ko lang narinig boses ni Donny since bihira nga kami magkachance magusap.

"Yep, its me. So ano? Matutulog ka nalang or lalabas tayo?"

"Matutulog ako. Dami mong alam na lalabas tayo eh fan meet naman ang magiging ganap pag nangyari yon"

"Kasi namaaan, sige na please. Come over ka na, I'll pick you up at 10. Eat tayo kung san mo gusto"

"Eh inaantok nga ako.. Gusto mo ba sak---"

"Ayoko. Pero matagal na tayong di nagkikita. Puro nalang si ano at si ganito ang kwento mo."

"Dramaland talaga nito. Daming nasabi? Sige na. Sa lobby ako by 10. Wag kang aakyat ng condo, lalo akong di sasama"

"Sige na po boss, ikaw dyan dami mo kagad bilin"

"Ge see you. Ingat magdrive, Donny ah"

Binaba ko yung call and layed down for another 15 minutes. Tamad na tamad akong kumilos. Iniisip ko palang na kailangan kong maligo, magayos at magbihis, mas gusto ko nalang matulog kahit boring dito sa bahay.

*beep*
From: Donny
I know di ka pa umiibo. Don't even attempt to do what you're thinking, Alexandra. Pag nakatulog ka ulit dyan, I'll destroy your condo's door ha

To:
lol eto na nga maliligo na. okay lang as long as you make sure to pay for my door. its acacia kaya dont me :p

From:
Whatever. By the way, why is my timeline full of tweets about you and Ricci Rivero? Diba sya yung sophomore na basketball player sa La Salle?

Change [Ricci Rivero, Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon