The next days, lagi niya na 'kong pinupuntahan. Kahit walang occasion, he'd visit or isasama ako sa mga lakad or games niya. Lagi siyang sumusundo sakin ulit or magdadala ng pagkain anytime niya matripan kapag wala siyang commitments or lakad with family.
This time, alone ako sa coffee shop since I was studying dahil ayokong magsayang ng oras na hindi ako nagaaral. Donny said he'll come and accompany me, pero its been 30 minutes and he's still not here. Elliana naman had to finish school docs and said na she'll follow. Basta wala silang lahat ngayon, ako lang ngayon magisa and I find this somewhat amusing kasi first time after a long time na makakapagisa ako.
Wala si Cci, hindi nagpaparamdam and as far as I remember, booked ata siya for today dahil ng isang shoot.
I did the usual routine na I have. Binaba ko ang gamit ko and dumiretso sa counter. I ordered my coffee at bumalik sa upuan. Sobrang daming memories namin ni Cci dito, ang sarap balikan kasi dito kami nagsimula noon.
Maya maya, may nagtakip ng mata ko. Hindi ko 'to ineexpect kasi never naman na may gumawa nito sakin. Pikon talaga 'ko sa mga ganito, kundi lang ako nasa public, nakagat ko na kamay nito. "Aga mo dito ah? Hintay mo 'ko, love?" sambit nito sakin at hindi parin inaalis ang pagkakatakip sa mata ko. "Love, who? Sino ka ba? Wala akong iniintay, wala nga akong kasama eh." sabi ko dito at tinanggal ang kamay na nakatakip sa mata ko.
"Alam mo, ang suplada mo sakin talaga. May dalaw ka ba?" sabi nito sakin at umupo sa harap ko. Hindi pa lumilinaw ang mata ko kaya hindi ko pa makita pero nung luminaw, it was Ricci, beaming at me like a kid who won a street game.
"Anong meron? Bakit bigla kang sumulpot out of nowhere?" sabi ko sa kanya kinuha ang kape na inaabot sakin ng server. "Bakit ba, ayaw mo 'kong makita? Katampo na ha!" sabi niya sakin at nagdiretso na magphone. Hindi ako kinausap for the next 5 minutes. Hirap suyuin, alam niyo namang di ko forte yon kasi nagpapasuyo lang din naman ako diba? "Cci!" sigaw ko sa kanya. "Ricci, para kang bata!" asar ko dito at binato ng tissue. "Lambingin mo naman ako ng konti.." sabi nito sakin at nanghihinang tumabi sakin sa side ng couch na inuupuan ko. "Anong meron? Kwento dali habang di pa 'ko tinatamaan ng antok!" sabi ko dito at nagbrowse ng handout na nasa ipad ko.
"Ehhhh kasiiiii, may ball mamayang gabi.." panimula nito at napatigil naman ako nang marinig ko yung salitang ball. Humilig ito sa balikat ko at naglambing. Mukhang may kasalanang nagawa ah, ngayon lang to naging ganto eh. "Tapos? May date ka? Sino?"
"Hmmm.. meron na nga eh." sabi nito sakin at bigla namang napabaling ang tingin ko dito. "Talaga?" tanong ko dito and he nods. "Ganda siya. Suplada nga lang." sabi nito sakin na parang nangangarap pa. Nagulat naman ako at napa wow na reaction sa sinabi niya.
"Hah, wow ah. Aba lubayan mo 'ko, magayos ka na kasama yang date mo." sabi ko dito at lumayo ng konti, mga 10 inches away from him. "Ano? Punta na! Hapon na ah, 1 pm na!?"
"Kaya nga, Alex. Tara na? Aayusan ka pa?! Aish, ang baaaaagal!" sabi ni Ricci at pinagmamadali na ako kaagad. Nataranta ako at nahalo ang laman ng utak at tiyan ko dahil hindi ko kaagad naprocess. "H-hoy!? Ano ba? Diretsohin mo 'ko!" sigaw ko sa kanya na hindi naman audible para sa lahat.
Inayos niya ang upo niya at hinarap ako sa kanya. "Alex.." sabi nito ng mahina, "uhmm, can yo-- can you be m-- ugh uhmm, pwede ba kitang date sa ball? I mean, sorry for the short notice kasi hindi tayo nagkikita for the past few days and alam kong ayaw mo na hindi sa personal magsasabi and---"
"Cci. Ricci. I get it, okay? Gets ko na." sabi ko and made him stop. He has worry in eyes and mukhang taranta na. "So..." sabi niya sakin na kinakabahan at naging expectant. Sumandal ako sa sofa at nagtext na kay Marie na magpapaayos ako. "Anong oras, Cci?"
BINABASA MO ANG
Change [Ricci Rivero, Completed]
Fanfictionshe has her heart stoned by fate and there he goes ever so bravely, tries to snatch away the hate by giving her the love she deserves, and telling her too how lovely the change he's brought her has always been Highest Ranking in Fanfiction as of: 0...