Kabanata II [Pakilala]

4.1K 57 10
                                    

Natapos na ang klase at nagmadali akong nagayos ng gamit bago pa ako abutan ng mga ito.

Di pa ako nakakalabas ay hinila na kagad ako nina Brent para sumama sa kanila kumain.

"Alex, tatakasan mo nanaman kami. Kakain lang tayo eh, di mo na talaga kami love" sabi ni Aljun na nagdadrama

"Aljun, bibitawan mo ba ako o bubugbugin kita ng hampas? Mamili ka, madali naman akong kausap"

"Eto naman terror. Kaya di ka nagkakaboyfriend eh! Mas barako ka pa kesa samin. Hmp! Libre pa naman sana kita, tampo na ako" sabay sabi ni Aljun habang bumitaw at nagtago kay Andrei na nagpo-phone lang at di nakikinig sa mga nangyayari. Luh, parang bata.

Maya maya sumilip mula sa likod ni Brent yung lalaki na nakatingin sakin kanina. Binebelatan din ako kapag nahuhuli nya akong tinitingnan ko sya. Ano bang trip nito?

"Ano ba, Cci? Sino bang binebelatan mo?" sabi ni Brent. Nung nakita nya na ako kasi binelatan ko pabalik yung alien friend nya, narealize nyang di pa kami magkakilala.

"Ay. Alex, si Ricci. Di mo sya inaabutan sa class natin last sem kasi napahiwalay sya. Late kasi nakapag enroll. Ricci, si Alex. Tropa yan." sabi ni Brent na tamad na tamad magintroduce.

Biglang may sumipa sa kaloob looban ko. Hindi ko inabot kaagad yung kamay nya. Napatitig muna ako.

Iba yung dating nya nung naging maayos ang lahat.

Sumipa nanaman yung pagkababae ko. Hindi pwede to. One of the boys ako. Di kami magkakasundo nito.

Bumalik lang ako sa wisyo noong napansin nilang napatitig ako kay Ricci na nakangiti lang sakin at nagiintay. Kumanta sila ng titibo-tibo with matching sayaw pa at blendings. I snapped out of my thoughts and gathered myself together.

Alex, wag ngayon. Wag.

"Hi, Alex. Ricci. Ricci Paolo Rivero."

Hinawakan ko yung kamay na inabot nya para makapag shake hands. Nginitian nya lang ako na parang wala nang bahid ng pangungulit o ano pa man. Nginitian ko rin sya na parang di ako mangaasar pero sakto, pasmado ang kamay ko from stress sa kaisaisahang klase ko sa  araw na to.

"BASAAAAAAAAAA!", sigaw nya tas nagsmirk ako at nauna na maglakad sabay sigaw ko din sa kanya na "Hi Pao. I'm your biggest nightmare", sabay takbo ko habang hila hila si Aljun at Kib papunta sa kainan kung saan nila ako ililibre.

// /// ////

"Sadya bang ganon si Cci? Ba't parang natulala?" tanong ni Aljun kay Kib na kasabay ko maglakad.

"Ewan. Ngayon ko lang nakitang ganun yun eh. Alex! Baka trip ka? Nako nako nako, hindi pwede. Kawawa si Ricci, baka mabugbog mo!" sabi ni Kib na parang hinaharangan ako.

"Mga gago. Trip tripin nyo mukha nyo. Sadya bang ganun yon? Kapatid ba ni Jollibee yon? Bat laging nakangisi sakin? Nag hang ba yung facial expression nya?"

"Oh oh oh madami ka nanamang nasasabi. Ngumiti lang sayo eh.."

"Bakit kasi di ka nalang mag boyfriend para di ka naman masyadong harsh kapag may nagiti sayo. Andyan si Donny diba? Paligaw ka na pa----"

"Tigil tigilan mo ako, Aljun. Wala akong oras sa mga ganyan. Tsaka isa pa, bestfriend ko yon. Walang talo talo. Tropa tropa lang tayo dito", sabi ko kagad kay Aljun na mukhang may balak pa talagang ituloy ang sinasabi nya.

Well, you must all know Donny. He's my bestfriend pero we seldomly see each other since his career sky rocketed nung nag debut sya as Myx VJ and ako naman nagstart na ulit ng school. Lagi akong inaasar ng Archers sa kanya kesyo iba daw ang ngiti ko kapag sya ang kasama or nagiging babae daw ang galawan ko kapag kasama namin sya sa gimik or gala.

"Pero alam mo, Alex. Feel ko naman makakasundo mo si Ricci. Parang kami lang din yon pero mind you ha, medyo moody."

"Jun, ngayon ko nga lang nakita si Ricci na ngumiti ng ganon. Iba ka Alex. Baka sakanya "ang iyong pagkababae ay mabubuhayan" ah"

Binatukan ko tong dalawang to at nagdirediretso na ng lakad.

Bakit ako? Kakakilala lang namin? Pero sana, makasundo ko sya tulad nung iba— sina Brent, Aljun etc. Tropa lang, di naman ako naiiba sa kanila. Magiging masaya to.

Change [Ricci Rivero, Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon