"So pwede na 'kong manligaw?"
Napapikit at facepalm nalang ako nang marinig ko yung sinabi niya.
"Seryoso ka? Ba't ba ako?"
"Ayan ka nanaman eh" sabi niya habang nagkakamot ng ulo "nahipan nanaman tayo ng hangin, Alex eh"
"Seryosong tanong kasi. Bakit ako?"
Di siya agad nakaimik at napasandal sa couch. Nilingon kami ng lahat ng kasama namin nung kumalat ang tinanong sakin ni Ricci.
"Okay lang kayo dyan?" tanong ni Ahia.
"Okay pa" sagot ko. "pero baka pagkatapos nito, masiraan ako ng ulo. Ano bang nakain nito?"
Umiling at tumawa silang andun sa kabilang table habang si Ricci, nakatutok sa phone mo.
"Silent treatment?" tanong ko "kausapin mo kaya ak---"
"Teka nga, hinahanap ko pa" inis niyang sabi sakin.
"Ge bahala ka diyan"
Habang hinihintay ko kung ano yung hinahanap niya, nagtwitter muna ako. At dahil obviously laging may nakasunod kay Ricci at sa Green Archers na spies, isama mo narin ang spies ni Donato na sinusundan siya kahit saan, sumasabog nanaman ang notifications ko dahil sa kanila. Ang laman lang naman, mapwera "Yung Alex nanaman ba ang kasama ni Donny? Nananadya ba siya lol kala niya ang ganda niya" or "Ano kayang ginawa nung Alex para mapalapit ng ganon sa Green Archers eh di naman kagandahan. Mas maganda pa si *insert name* kesa diyan" or "Anong meron kay Alex? @RicciRivero06 bakit siya?" or "legit ba yung nililigawan ni ricci? y didnt i see this coming?!?!?!??"
Sinanay ako ng panahon na ganito ang ilan sa kanila palagi. Di na ako nagugulat kapag nakakakita ako ng ganito sa notifs ko kahit minsan gusto kong ishrug off nalang, syempre to judge a person na hindi mo kilala ay sobrang mali. Naiiyak ako sometimes lalo na pag nakikita ni Kuya at gusto niyang replyan. And to dictate a person's life para lang masunod ang gusto nila para sa idol nila? Mali din. Tao din sila syempre, they have their rights to decide— kung anong gagawin, kung sinong makakasama, kung sinong makikita at kung sinong mamahalin.
"Don't read your notifs. Better to turn it off rather than have your phone blowing up every single time" sabi ni Donny na dumaan para magrestroom daw, sabay hablot ng phone ko mula sakin. "Di ka parin marunong magoff ng notifs. Sakin muna 'to. Don't let them hinder you from deciding right now."
Tiningnan ko ulit si Ricci at nakitang nakatunghay na siya at nakatingin sakin. "Okay na?"
"Okay na."
"Anong nahanap mo?"
"Wala. Wala naman kasing rason kung bakit ikaw. Di naman kailangan ng reasons for one to like a person right?"
"Kahit bihis lalaki ako?"
"Kahit bihis lalaki ka."
"Kahit siga ako? Kahit mas barako pa ako sayo minsan?"
"Wala akong magagawa don. Yun ka eh."
"Kahit di ako katulad ng ibang babae na magaganda?"
"Maganda ka. Ako na nagsasabi sayo niyan."
"Di nga ako marunong magmakeup?"
"Di mo kailangan non. Alex, I really have no reasons for my admiration. Hindi mo 'ko mahahanapan non kasi wala talaga. It just happened and I'm glad it happened. You're worth it, kahit ano ka pa."
Napahalumbaba ako at napatingin sa kanya. Nagblur yung paligid at siya lang ang nakita ko.
Eto lang talaga yung hinintay ng katawang lupa ng pagkababae ko. Na may magsabi sakin na gusto niya ako ng walang rason. Ng walang dahilan. Nakaswerte ata talaga ako. Bakit ngayon ko lang narerealize?
BINABASA MO ANG
Change [Ricci Rivero, Completed]
Fanfictionshe has her heart stoned by fate and there he goes ever so bravely, tries to snatch away the hate by giving her the love she deserves, and telling her too how lovely the change he's brought her has always been Highest Ranking in Fanfiction as of: 0...