"Sakit ng ulo kooooo!" sigaw ko ng malakas pagkagising na pagkagising ko. "Aleeeex!!! Gising ka na!!! Breakfast!?" sigaw ng girlfriend ni Jollo na nakapambahay at siglang sigla. Hinila niya ako palabas papunta sa dining area at tumambad sakin ang buong team ng Green Archers na pinapakain na ng nanay ko. "Ano 'to ma? Inampon mo na sila?"
"Oo 'nak, eh halos dito na tumira tong mga to eh!" sabi ng nanay ko and rolled her eyes jokingly. Tinawanan siya ng kuya ko at tinulungan sa mga gawain niya. "Nakakain na lahat?" tanong ko kasi nagtayuan na sila sa seats nila sa dining.
"Di pa. May dalawa pang may hangover, yung isa andun sa couch, yung isa nakaupo sa sahig. Di makausap ng ayos kasi masakit ang ulo." tawa ni Jollo at kinindatan naman ako ni Kib. "Ewan ko sa inyo. San si Prince?"
"I'm heeeere!" sigaw ni Ahia na nakaupo sa sahig katabi ni Ricci. "Kumain ka na?" sigaw ko sa kanya. "Di pa, these two won't eat eh." sabi niya sakin. Tutok na tutok naman sa pakikinig ang mga tao, pati pamilya ko at hinintay ang sagot ko. "Edi halika na, eat nalang sila later. Sabay na tayo?"
"Ayoko, gusto ko sabay sabay eh." pagpupumilit ni Ahia at di parin umalis dun. Tinulak ako nina Aljun para pilitin si Ahia na bumangon na. Nilapitan ko na sila at tinapik na si Brent para magising. Nagpakastubborn pa, hindi pa agad bumangon kaya kiniliti ko at kinurit. "Mahirap gisingin ang nagtutulog-tulugan. Uto-uto ba ako? Sino ba kasing may sabing lumaklak ng madami?" sabi ko kay Brent at niyugyog ang katawan niya. Nang matauhan si Brent ay bumangon narin ito at nagpunta na sa dining table.
"Tara na, Ahia. Gutom na ako." sabi ko at babalik na sana ako pero pagharap ko sa dining area, nakatingin silang lahat sakin at binigyan ako ng nakakapressure na tingin. They were signaling me to tell Ricci to eat narin. He was holding his head like his head aches so much. "Ugh. Sige na nga." Pinuntahan ko na si Ricci at aayain na sana para kumain pero Ricci, being the suplado guy he is, tumayo at hindi ako pinansin. "Suplado. Mas mabait ka pa sakin pag lasing ka eh."
Nanlaki ang mata ng lahat sa sinabi ko pero hindi pinansin ito ni Ricci. "Ano ba nangyari kagabi? Diba hinatid mo?" tanong ni Jollo sakin at nagpay attention lahat. Tiningnan ko si Ahia at sinignalan na wag nalang sabihin sa kanila yung nangyari. Then if Ricci remembers, edi okay pero if he doesn't, edi better. I rolled my eyes at that moment and went back to the dining area. "Thanks, Ma." sabi ko sa nanay ko na hinanda yung food for us na natitirang hindi kumakain. Eggs and bacon. Sa eggs, I only eat yung yellow but naubos na yung eggs agad kasi apparently, 3 lang pala niluto ng nanay ko.
Nakikipagkwentuhan silang lahat sa nanay at tatay ko habang nakapaligid samin nina Ricci, Prince at Brent na kumakain. Di pa ako nagsstart na kumain kasi nagchachat si Elliana na magtatake na ng exams pero masakit ang ulo dahil sa puyat. "Nak, kain ka na. Mamaya na yan." sita sakin ng nanay ko. "Sino ba yan?" tanong ni Donny. "Si Elliana. Masakit daw ulo niya. Sabi ko, ipabunot na natin. Ayokong nasasaktan siya." sabi ko kay Donny ng nagbibiro at tinawanan naman ako nito at hinablot ang phone ko. "Donato, wag sa gallery ah!" sigaw ko sa kanya at sumangayon naman ito.
When I was about to eat na, I said my prayer then saka lumantak. Naging awkward nanaman ang atmosphere kasi Ricci placed sa small plate yung yellow part ng egg na kinuha niya kanina, sabay alis naman nito at umubo-ubo kunwari. "San ka, Cci!?" sigaw ni Andrei na kinikilig na pero di pinapahalata at pinipigilan si Ricci. "Dito ka, Cci!" sabi ni Prince at humalakhak silang lahat ng mahina. "Aaaaaaghhh, naloloka na ako! Ano ba talaga!" tanong ng girlfriend ni Aljun. "Ano meaning nun? May something parin?"
"Ewan ko." tugon ko. Hindi ko naman kasi talaga alam. Baka nga he's just used to doing it kasi nasanay kami noon. "Hay nako, Alex. Hanggang kelan tayong ganito?" tanong ng Kuya ko at nagstop sa tapat ko. Hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya kasi hindi ko rin naman talaga alam.
"Alex, I have something to tell you pala! Halika dali! Now na!" biglaang sabi ni Prince at hinila ako sa labas dun sa sulok malayo sa lahat. "Ano? Anong meron?" tanong ko sa kanya na natataranta narin. "Remember when we told you Ricci's picking schools pa?" he made me recall that moment. They were choosing over UST, Ateneo or UP. I suggested why not DLSU nalang ulit para masaya ang buhay pero hindi na raw talaga pwede. It was either Ateneo or UP that we were choosing over and I never got the chance to know kung anong decision niya. I really wanted na sa Ateneo sana siya, but being an Isko at iskolar ng bayan would suit Ricci so much too. Sabi ni Ricci, medyo mahirap daw kasi yung UPCAT at ACET kaya he doubted he'll pass sa parehong schools.
"What did he decide on?" kinabahan ako at excited at the same time. I always feel like crying when it comes to Ricci. Kung yung pagalis niya sa DLSU, masakit, itong pagpasok niya sa bagong chapter ng buhay niya ang kinaexcitean ko. Malayo niyo, dito siya makakita ng bago diba?
"Isko na si Ricci. Iskolar na ng bayan." Halos maiyak ako sa tuwa nung sinabi niya yun! "Kuyaaaaa!! Seryoso!!!!! Aaaaaaggghhhh!!!" yakap ko sa kanya at tuwang tuwa. "Di ko alam kung bakit ako naiiyak pero nakakatuwa, Ahia! Naiiyak talaga ako!" taranta kong sabi sa kanya at nung sumilip si Ricci mula sa likod at umalis ulit kasi nakita kami, dun na ako naiyak.
"Tek naman na kabute to eh!" sigaw ko at niyayakap parin si Ahia. "He knew he chose the right school. He knew he'd be in better hands kasi UP na yan, tsaka naalala niya na karangalan maging scholar ng bayan." sabi ni Prince sakin na pumiglas na. Umiiyak na ako sa tuwa for Ricci at sa mga panahon na ganito, gusto ko lang siyang yakapin kaysa iflatter siya with all the words I could tell. Pareho na sila ni Donny who passed the UPCAT earlier this year din.
"Stop crying, Alex! Ano ka ba!" Ahia rubbed my back habang pinapatahan ako. "Uhm, is this still about Ricci commiting with UP or.."
"I miss him so much kuya, sobrang proud ako sa mga ginagawa niya. I don't know what to do with this feeling and I don't know where to start, pero as long as he's okay, okay lang naman sakin kung anong meron kami ngayon.. which is wala." I said at tumahan na konti-konti. It has always been so difficult to cope with this feeling when he's just there at abot kamay. I have not always been used to this treatment kasi all the time, lagi kaming magkasama and we always talk, chat, eat together and noticr each other. "Pero yup, this is still abour Ricci finally commitung to UP. Sana sakin din ulit."
Ahia laughed and answered. "I think he needs a little more time. Maybe your isko needs a little more time, lady archer." he told me at tumahan na ako. I agreed nalang na ganun na nga muna but still I was so happy with everything that has happened for him.
Twitter:
@alexgumabao: have always been so proud of you. God bless this soul, good Lord. No way but up!He has always known na I pray for him all the time, that he may reach and achieve the contentment of his heart. My heart can't be anymore happy that he finally made a decision na he's very happy about.
"Alex, pasok na daw kayo sabi ni Tita." biglang sabi ni Ricci na sumulpot out of nowhere para tawagin kami. He saw me na parang naiiyak parin at namumula galing sa pagkakaubob ko and he stopped for a while. Nagdadalwang isip kung iimik or hindi, he fidgeted at tumingin ulit sakin. We looked at each other lang at di umiimik. Tumingin ulit siya sa malayo kaya pumikit nalang ako. "Sige, kunwari wala ka. Kunwari hindi kita nakikita." sabi ko sa kanya indirectly at pumatak nanaman luha ko na natira. Hindi intended yon, pero alam nyo yun, yung mga luha na hindi napunasan earlier?
"O-okay ka lang?" tanong ni Ricci. "Do you want an honest to goodness answer or a pabibo slash hidden answer?" I replied sa kanya. He rolled his eyes on me at natawa sarcastically at umalis na. Biruan namin yun dati whenever one of us does something na would worry the other or kaya naman, may kalokohan na tinatago.
Tinawanan ako ni Kuya at tinap ang likod ko as I laughed silently, secretly wishing everything would just bounce back to the way it was, when all was good and lovely.
//
new cover for Change! What do you prefer, yung luma or mas better to? Hihi!
BINABASA MO ANG
Change [Ricci Rivero, Completed]
Fanfictionshe has her heart stoned by fate and there he goes ever so bravely, tries to snatch away the hate by giving her the love she deserves, and telling her too how lovely the change he's brought her has always been Highest Ranking in Fanfiction as of: 0...