Kabanata XXIII

1.6K 32 2
                                    

Nakabalik na kami from the north at dumiretso kami kaagad sa Taft. 8 pm palang kaya we considered na baka after talking to them, baka naman pwedeng kumain kami ng sama sama para makabawi kami.

Tinawagan ko sila para magsabi na nasa Taft na kami pero hindi nila sinasagot yung tawag o kaya naman ay busy. Di ko talaga alam, pero sobrang kabado ako sa mga nangyayari. Hindi ko alam ang mga gusto nilang sabihin pero sa pakiramdam ko ay icoconfront nila ako at sa ngayon, hindi pa ako handa dahil iniisip ko pa kung anong mga susunod kong hakbang, lalo na sa pagitan naming dalawa ni Ricci.

"Di parin sumasagot?" tanong ni Ricci na nagpapark ng kotse niya.

"Di eh. Bakit ba ako kinakabahan? Ano ba yan!" sabi ko at sabay nang bumaba ng kotse niya at lumakad papunta sa dorm.

"Hello pre? Andito na kami sa loob. Hindi pa nga eh, baka after nalang siguro kung importante talaga yung sasabihin nyo. H-ha? Oh sige sige. Ge, see you."

"Sino yon?"

"Si Aljun. Andun pa raw sila. Tara na."

Naglakad kami papunta sa dorm at sinalubong kami ng girlfriend ni Jollo.

"Uy, anong ginagawa mo diyan!" tanong ko.

"Inaabangan ko yung pizza! Teka ayan na. Jollo!"

Biglang lumabas si Jollo at nginitian ko pero di ako pinansin— dumiretso lang siya sa pagkuha ng pagkain at dinala na sa loob.

Pumasok na kami at winelcome ako ni Ahia. Umupo kami ni Ricci at tinapatan kami nilang lahat.

"Anong meron?" tanong ni Ricci.

"Kayo na ba?" tanong ni Brent.

"Bakit di niyo pa sinasabi samin?" tanong ni Aljun.

"Bakit wala pang update? Baka kayo na ha?" tanong ni Jollo.

"Bakit di na kayo masyado sumasama samin?" tanong ni Kib.

"Bakit di ka na tumatawag, Alex?" tanong ulit ni Aljun.

"Dahil ba siya na?" tanong ng girlfriend ni Aljun.

"Dahil ba babae ka na kaya di ka na sumasama samin?" tanong ulit ni Brent.

"Dahil ba may manliligaw ka na?" tanong ni Kib ulit.

"Dahil ba kayo na?" tanong ni Marie.

"Bakit di kayo umiimik?" tanong ni Aljun.

"Sabihin niyo samin. Kayo na ba?" tanong ni Prince.

Sa sunod sunod nilang tanong, isa lang talaga ang pumasok sa isip ko.

"Mga gago.. selos ba kayo kay Ricci?" tanong ko sa kanila na biglang naging denial ang mga galawan. Tiningnan ko si Ricci at ang nakikita ko lang sa mukha niya ay pure na pagtataka kung anong nangyayari.

"Huy, ayusin nyo nga yang mga galawan niyo. Masyado kayong halata!" sabi ko ng natatawa.

Hinawakan ni Ricci yung kamay ko na nasa ilalim ng table at hinigpitan ang kapit habang pinagbababato sina Brent at yung iba pa ng tinidor na plastic na nakahain.

"Parang sira tong mga to! May sapaw ba kayo, ha? At nagseselos kayo?" panloloko ni Ricci sa kanila sabay yakap sakin. Nagfacepalm lahat at nacringe kaya inalis ko ang sarili ko sa posisyon na yon.

"Kayo na ba? Pwede bang pakilinaw para alam namin? Mahirap kasi manghula." sabi ni Kib sa amin na blangko ang expression sa mukha.

"Parang kami, pero hindi p--"

"Hindi pa kami. Papunta palang, diba Cci?" pagsabat ko sa sasabihin nya na medyo sala pa sa sitwasyon ngayon.

"Yon, ganon."

"Pero di natin alam din. Ayoko kasi ng formal na sasagutin siya. Gusto ko, mangyayari nalang ng hindi namin alam. Makakasanayan hanggang sa dumating kami sa point na marerealize namin lahat." pagpapaliwanag ko. "Pero.. Basta. Ewan. Darating din tayo diyan, hindi ko rin kasi alam eh."

They gave us a satisfied look but Aljun was insisting for more explanation.

"Tigilan mo ako sa tingin na yan, Aljun" I said and his look softened and grinned at me.

"Explain!" sigaw ni Brent na biglang binato ni Ricci ng paper plate.

"Intindihin niyo nalang sila. Di naman sa atin si Alex, pero sige iconsider natin yang pagtatampp niyo. Di ako counted kasi okay lang sakin." sabi ni Andrei na sumulpot out of nowhere.

Nagsmile ako kay Andrei at biglang nagkatinginan kaming lahat at nagtawanan.

"Kakarimarim kayo, mga taong to."

"Miss ka lang namin eh! Di ka na kasi sumasama! Lagi nalang kay Ricci!" sabi ni Marie habang ang lahat ay nagkakagulo kasama si Ricci at ang iba pa.

"I'm giving the guy a chance and giving my self din the benefit of my doubt. Hayaan niyo na ako, minsan lang ako magmahal." sabi ko as I drink from my cup while watching them interact with one another.

"How are you both going na ba? Has he been good to you?" tanong ng girlfriend ni Jollo.

"So far, yes. I'm so convinced na he's sincere. He makes me fall for him everytime he makes me laugh. He's surreal."

"Cheesy!" sigaw ni Brent na nakikikinig samin.

I glanced at Ricci who was laughing his heart out. Nagkatagpo kami ng tingin and he smiled and waved at me. Oh, this goofball gets me everytime.

"He's worth it though, Brent. He's worth the risk."

Change [Ricci Rivero, Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon